Napapakamot na lamang ng ulo si Jake nang may naiulat naman sa kanya na nawawala silang Ruth, Ericka, at maging si Thalia.
Paanong nawala ang tatlo nang sabay? Tanging napatanong na lamang sa kanyang isipan. Wala siyang tulog sa kakaisip kung paano niya mahahanap si Jasmin, at ngayon nadagdagan pa siya ng problema.
Responsibilidad niya ang kanyang nasasakupan.
Hindi na maganda ito. Napailing-iling siya. Mataas na ang araw noon, at masakit pa ang ulo niya sa kadahilanang dala-dala ang problemang kinakaharap niya ngayon.
"Sir Jake." Tawag ng isang kasamahan nito.
Napatingin na lamang siya sa kanyang kasamahang guro na si Harold.
"May na-detect ang tracker device, kangina, pawala-wala ito." Pabulong nitong sabi.
Doon, napabalikwas siya sa kanyang upuan; hindi ito sumagot. Tinanguhan siyang sumunod sa isang tent.
"Jake, may tracker kaming na-detect." Salubong nitong sabi sa kanya.
"Kaninong tracker po iyon?" Tanging natanong niya.
"Kay, Miss Blanco."
Agad niyang tiningnan kung saan ang lokasyon ngayon ni Thalia.
"Anong ulat kanina?"
"Biglang nawala ang detection kanina, tantiya ko’y kaya nawala iyon bigla, dahil baka hindi na maabot ng tracker ang lokasyon nila." Sabi naman ng kanyang kasamahan na inaanalisa ang tracker device na kanilang magsisilbing pag-asa.
"Ngayon, nasaan na sila?" Tanong naman niya na naging alerto ang kinikilos niya. Gusto niyang sagipin at sundan ang tracker ni Thalia.
"Papalayo siya nang papalayo. Pero nandito pa rin sila ngayon. Kailangan nating mahanap si Thalia; malamang kasama niya ang dalawa, pati na rin si Jasmin."
Napatango siya, kailangan niyang hanapin ito at baka nanganganib na ang buhay ng mga mag-aaral na nasasakupan niya.
Agad silang nagsagawa ng operasyon na hanapin at halughugin ang buong kabataan, para makauwi sila mamayang hapon, ipagpapatuloy pa rin ang nasimulang aktibidad sa mga kabataang naiwan, at pagkatapos maibabalik nila ang mga estudyanteng nawawala.
Siya ang may hawak sa tracker device ni Thalia; ang iba’y naka-assign sa iba’t ibang parte ng kagubatan.
Hope she’s okay. Napasabi sa kanyang isipan.
Nakikita niya sa phone niya na tila’y kumikislap—kislap ito, at paiba-iba ito ng direksyon.
Nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ang kanyang phone.
Kailangan niyang mahulaan kung saan pupunta si Thalia.
Baka naliligaw siya. Iyon lang ang napasabi sa kanyang isipan.
Kailangan na niyang kumilos ngayon; kailangan niyang magmadali para mahanap si Thalia. Umaasa rin siyang kasama ni Thalia ang iba pang nawawala.
I hope so. Agad siyang naglakad at naghanap sa direksyon kung saan ipinapakita ng tracker sa kanya.
Sa kanyang paghahanap sa mga bata, may nadaanan siyang malaking warehouse; abandonado ito. Mapapansin ito sa ayos at anyo ng warehouse, kaya naman hindi niya ito pinansin pa. Naglibot siya sa masusukal na kagubatan noon.
Sa kanyang pagmamadali, may nakita siyang isang ribbon; agad niya itong pinulot. Nagtataka siya kung sinong nagmamay-ari nito.
Nabalik sa kanyang isipan na noong nawala si Jasmin, hindi nila ito ma-track ang device nito.
Kung nandito siya malapit sa warehouse, hindi pa sila nakakalayo nang lubusan. Sabi pa nito sa kanyang isipan.
Nagkakaroon siya ng mga posibleng mga haka-haka kung saan niya ito matatagpuan.
Kung hihingi ito ng tulong, kung nawawala ito, posibleng binabaybay nito ang sementadong kalsada noon.
Tiningnan niya ang tracker ni Thalia; kumikislap-kislap pa rin ito. Tama nga ang kanyang hinala.
Takbo-lakad ang kanyang ginawa. Alam niya ang mga shortcut rito dahil minsan na siyang nandito.
Sana nga hindi pa huli ang lahat. Binilisan niya ang kanyang kilos noon, binaybay niya ang kagubatan patungo sa sementadong kalsada. Papalabas na siya sa pusod ng kagubatan at nasilayan na niya ang sementadong daan.
Nakalabas siya, naglakad-lakad siya, tinalasan niya ang kanyang pandinig at ang kanyang pakiramdam, naglalakad-lakad siya, hindi siya magkakamaling dumaan ito rito, malakas ang pakiramdam niya.
May narinig siyang kaloskos, kaya napabaling siya.
"Si, Sir Jake?" May narinig siyang boses na nanggaling sa kanyang likuran.
Agad niyang nilingon, hindi niya nakita kung sinong nagsasalita. Nang may bigla na lamang lumabas sa damuhan.
"Si Sir Jake nga." Napasabi pa ng isa.
Agad niyang nakita at nasilayan si Thalia.
"Dionson, are you okay?" Tanong naman nito nang makita niya ang batang hinahanap niya.
May kasamahan pa ito. Dininig ang kanyang dasal, ligtas ang apat na dalagang nawawala. Nagpakawala siya ng buntong-hininga at para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan.
Tiningnan niya ang ayos ng kanyang mag-aaral; magulo ang buhok, parang may tinatakasan ito.
Bigla na lamang nahimatay si Jasmin noon. Agad niya itong kinarga.
"For goodness’ sake, huwag kayong maglalakad-lakad rito na kayo lang. Halina kayo."
May narinig siyang may mga yabag na naglalakad.
"Oh?" Napansin niya ang isang lalaki.
Hindi siya noon nagsasalita. Pero, kilala niya ang taong nakita niya.
"Jake," sabi pa nito.
"What are you doing here, Giovane?" Seryoso niyang tanong.
Nagulat ang mga mag-aaral dito sa boses niya.
"Ah, hindi ka pa rin nagbabago, Jake. I’m taking care of everything; nagliliwaliw lang ako rito. No worries." Sagor naman nito sa kanya.
Napansin niyang nakatingin ito sa mga estudyante niya.
"Naliligaw ba ang mga estudyanteng iyan? Thank God, they’re safe. Maraming naririnig rito na maraming nawawalang mga babae sa lugar na ito. I heard May Nag—camping rin na schools rito, hindi ko inaasahang sa pinagtatrabahuan mo pala iyon, Jake." Sabi pa nito na palipat-lipat ang tingin sa kanyang mag-aaral.
"Yeah, thanks for your concern. Nagmamadali kami. Good to see you, Giovane. Sana hindi na magkabangga ang tadhana natin." Sabi pa niya.
"You’re so mean; you’re cold as ever, man." Komento nito sa kanyang pag-uugali. Hindi na siya sumagot pa noon, nilampasan niya ito. Kasama na niya ang mga batang hinahanap niya.
Napakuyom na lamang siya sa kanyang mga palad.
"Let’s go, nag—antay sila sa inyong pagbabalik." Sabi pa niya sa mga bata.
"What happened?" Napansin niyang parang maiiyak si Ruth noon.
Napailing na lamang ito, napapansin niyang may kinakatakutan ito, tiningnan niya ang kanyang mag-aaral. Ayaw niyang magkaroon ng phobia ang mag-aaral niya.
"Paano mo po ninyo kami nahanap?" Biglang tanong ni Thalia sa kanya.
Pabalik na sila sa tent noon. Nawala ang lahat ng pagod niya nang makita niya na ligtas ito.
May kinuha siya sa bulsa.
"Ribbon?" Napatanong ni Ericka.
"This ribbon is your tracker; kaya nga pinagsosoot kayo ng ribbon na ito, para ma-trace at ma-track kaagad kayo kapag nawala kayo."
"Eh?" Napasabi ni Thalia.
May kinuha ito sa bulsa. "Dahil ba rito?" Tanong naman ito sa kanya.
Tumango na lamang siya bilang tugon sa kasagutan ng kanyang mag-aaral noon.
"Buti hindi ko itinapon." Napasabi pa ni Thalia na bumuntong-hininga.
Natanaw na niya ang tent noon. Nagpatuloy pa rin ang aktibidad nito. Hindi sila sa harap dumaan, ayaw nilang makaagaw ng atensyon sa mga mag-aaral. Dumiretso siya sa isang tent.
Nagulat naman ang mga guro na nandoon na nag-aantay sa rescue team.
Agad ginamot ng school nurse ang kaunting sugat na natamo ng mga bata. Tinawagan na rin ang iba na nakabalik na siya na kasama ang nawawalang mag-aaral.
Napaupo siya noon, nag-isip-isip siya sa pagkikita nilang muli ni Giovane.
Anong ginagawa niya rito? Napatanong sa kanyang isipan noon.
Pagod ang utak niya, pagod ang katawan niya, gusto na muna niyang makabawi saglit, bago sila uuwi sa syudad.
Umidlip na muna siya noon. Makatutulog na siya nang mahimbing dahil uuwi ang mag-aaral nang ligtas sa kanya-kanyang tahanan nito, mamaya-maya.
"Boss," tawag sa kanya na malayo ang tanaw.
Hindi ito sumagot sa kasamahan nito. Para siyang sira na napapangisi sa pangyayari.
"Let’s go, let’s go back for now." Sabi pa nito na isinuot ang maitim na jacket na may hood. Walang salita ang mga tauhan niya.
So you’re alive, Chesca. Napasabi sa kanyang isipan.
When you’re alive, I know, Mikaela too. Talagang nagtatago kayo, pero alam kong lalabas at lalabas din kayo sa mga lungga ninyo. Napasabi sa kanyang isipan noon.
Iisahin ko ang mga taong tumulong sa inyong dalawa. Dad will be thrilled to see you soon.
"Boss, tumawag po ang ama ninyo."
Sumenyas siyang ibigay ang phone niya.
"Hello," agad siyang sumagot.
"Kumusta ang pinapatrabaho ko sa iyo?" Tanong nito sa kabilang linya.
Napangisi siya. "Don’t worry about it; you will be surprised and thrilled by what I discover right now." Sabi niya na lokong nakangiti, ang mga mata niya’y bumabalot ng kasakiman.
"What is it?" Tanong nito.
"Eh, your stepdaughter, confirm she’s still alive."
"Sabi ko na nga bang buhay pa ang babaeng iyon, iyong kakambal ni Ellese?" Tanong naman nito.
"Hindi ko na—confirm, but when that girl is alive, Mikaela too."
"Alam mo na ang gagawin mo."
"Yeah, I know." Napasabi niya’t nakangisi pa ito.
"Balitaan mo ako, nangangati na ang buong kalamnan kong patayin ang dalawang iyon." Sabi pa nito.
"Yes, I will keep you updated." Napaisip naman siya.
"By the way, Dad."
"Yeah?" Sabi pa sa kabilang linya.
"You know Jake, right?" Tanong nito sa kabilang linya.
"That bastard!" Napasigaw sa kabilang linya, at punong-puno ng galit ang boses nito. Napangisi naman siya sa reaksyon ng kanyang ama.
"What about him?" Napatanong ito nang mainit ang ulo.
"Whoa, calm down, Dad." Napasabi pa nito. "That Jake Diego Roman is a pain in the ass. That cousin of mine." Napasabi pa niya.
"May kinalaman ba siya sa mga nangyayari ngayon? He works on shadow, alam mong unti – unting nawawala ang black market nang dahil sa kanya."
"Wala tayong pruweba na siya iyon, pero may posibilidad na may kinalaman siya rito. He likes playing games with you, Dad."
"Stop that nonsense. Balitaan mo ako ng magandang balita kapag tumawag ka, kapag nasa kamay mo na ang dalawang babaeng magpapabagsak sa akin."
"Deal with that cousin of yours; hindi siya ang magpapabagsak sa trono ko."
"Talagang takot na takot ka sa magkakapatid na iyon." Napailing na lamang ito sa kausap sa kabilang linya.
"Magtrabaho ka nang tahimik, iyon lang ang pinagagawa ko sa iyo. Abala ako ngayon."
"Yeah, yeah. Bye." Agad niyang binaba ang phone niya matapos makausap ang kanyang ama.
Humalagapak na lamang siya nang tawa; naaliw siya sa mga mangyayari ngayon. Hindi siya pinansin ng kanyang mga tauhan.
"Anong mga hakbang mo ngayon, boss?" Tanong naman nito.
Hmm? Ano ba ang gagawin ko? Well, same as usual. Napasabi sa kanyang isipan na napangiti na lamang.
"Alamin mo muna ang background ng babaeng si Jasmin, kailangan natin siyang patahimikin, saka, pinahirapan kayong maghanap niyan, hindi ba?" Tanong naman niya noon.
Magagamit ko ang babaeng iyan; ang pagpatay niya ang magpapalabas kay Mikaela. Hindi ako kilala ni Chesca kanina. Napasabi sa kanyang isipan.
Babalik na muna siya sa syudad ngayon.
Jake Diego Roman, what will be your game now? I will play it until you're done. Napasabi sa kanyang isipan.
Tiningnan niya ang mga puno sa dinadaanan niya; hindi siya naniniwala at natatakot sa mga may abilidad. Para sa kanya, kapag nabuhay ka sa mundong ginagalawan nila ngayon, hindi ka dapat maging duwag; ang tanging nasa tuktok lamang ang mananatiling nakatayo at pinagmamasdan ang gumagapang.
He loves chaos, he loves power, and he loves to play games. Kaya nga siya ang nagiging henchman ng kanyang ama kapag may pinapaslang ito na kadugo niya. Hindi siya naaawa kapag nagmamakaawa ito sa kanya na huwag kitilin ang buhay nito.
Marami ng dumanak na dugo sa kanyang mga kamay.
Baka minana ko talaga ang pagiging demonyo ng ama ko. Napasabi naman niya noon.
May idinial siyang numero, tinatawagan niya ang kanang kamay niya na magtrabaho sa kanya, dahil may importante siyang gagawin, kundi alamin ang katotohanan.
"Dating gawi." Sabi niya sa kausap niya.
"Okay." Iyon lang ang sagot nito sa kanya.
Tahimik siyang nakamasid noon; may pinaplano na naman ito sa kanyang isipan.
Paslangin ko kaya ang lahat ng pamilya ng babaeng ito? Napasabi sa kanyang isipan.
Hindi siya naaawa sa mga taong pinapaslang niya; hindi siya nagtatrabaho sa kanyang ama, kundi boluntaryo niyang ginagawa iyon para maibsan ang mga kalamnan niyang hindi kumakalma kapag wala siyang napapaslang.
I’m a murderer; hindi ko alam ang salitang konsensya at awa. Para sa akin, marinig ko ang kanilang hinagpis at palahaw habang binabawian ng buhay. Hindi ako naniniwala sa karma at mga multo. If they want to get revenge on me, they will step up to play games with me. Mahaba niyang sabi sa kanyang isipan noon.
I will kill people to satisfy my addiction.
Malayo-layo ang kanilang lalakbayin; kailangan makabawi rin siya sa trabaho niya. Siya ang pakana sa mga babaeng nawawala at binabalik na walang buhay at di kompleto ang parte ng katawan.
Sino ulit ang mabibiktima ko ngayon? Napangisi pa siya.
6Please respect copyright.PENANAEoTRRSfs8S


