Sumusunod lang si Ruth na llitong-ito sa nangyayari. Akala niya nanaginip lang siyang naglalakad sa masukal na kagubatan noon, kasama ang kaluluwang nagngangalang Ellese. Pinapakita nito kung saan ang pinangyarihan ang karumal-dumal na pagpaparusa kay Ellese.
Nagbalik na lamang siya sa kanyang gunita noong may humila sa kanya, at nakita niya si Jasmin. Akala niya ito’y panaginip lang, pero gising na gising siya dahil nakita niya silang Ruth at Ericka na nakasunod sa kanila.
Matapos ang bonfire dahil nakagawian na nila iyon hanggang matapos ang bukas na kanilang aktibidad. Mahimbing siyang natutulog noon nang narinig na naman ang boses ng babae na tinatawag siya sa pangalang hindi niya kilala.
Sinasabi’y na sundan niya ito. Hanggang napadpad siya sa abandonadong warehouse. Ngayon, tila’y may tinatakasan sila na kung sinong kalaban. Tila’y naliligaw na sila at hindi alam saan sila dadaan para makabalik sa camp nila. Kung saan ligtas silang makakabalik doon.
"Nasaan na tayo?" Tanging tanong ni Ericka noon, halatang ito’y pagod na. Hapong—hapo na rin sila, dahil hindi nila alam saan sila pupunta.
Nanginginig na rin si Jasmin na may hinahanap. May tinuturo ito.
"Halikayo, doon." Turo nito, hindi nila agad ang tinuturo.
Hinihila rin sila. Nasa masukal ito na napapalibutan ng ligaw na damo. May nakita silang isang maliit na bahay—kubo.
"Baka patibong iyan." Rinig naman ni Thalia.
"Hindi." Sabi naman ni Ericka noon.
Tumango naman si Jasmin noon.
"Dito ako nagpalipas ng gabi noong nawawala ako sa kagubatan." Sabi naman nito.
May narinig silang kaluskos, mga yabag.
"Tayo na, baka makita nila tayo." Pabulong na sabi ni Ericka na tinulak pa silang dalawa, kaya naman dali-dali silang pumasok at pumanhik sa isang maliit na bahay-kubo.
Naglakad naman si Ericka, at kinatok-katok ang kalupaan noon; may hinahanap ito. Hanggang sa may hinila ito.
May nakita silang hagdanan patungo sa kailaliman nito. Nangunot naman ang noo ni Ruth; para sa kanya, pamilyar at nakita niya ang lagusan na ito.
May alaalang nais magpumiglas sa kanyang isipan na hindi niya maalala.
"Tayo na."
Agad silang nanaog; isinirado nila ang pintuan noon. Napakadilim.
May ilaw na dala pala si Jasmin.
"Jasmin, baka mahalata nila na nandito tayo." Alalang sabi ni Thalia noon.
"Hindi, hindi nila tayo matutunton rito." Sabi naman ni Ericka.
Tila alam ang mangyayari nila, kaduda-duda iyon, kaya nagtinginan naman sila ni Thalia.
May nakita silang hihigan noon, maliit lang ito, kasya apat na tao.
May isang alaalang hindi malinaw kay Ruth; pakiramdam niya, naranasan na niyang tumira at humiga sa maliit na hihigan, kagaya ng sitwasyon nila ngayon.
Nakita niyang umupo si Jasmin sa isang higaan.
"Jasmin, paano mo natunton ang lugar na ito?" Tanong naman ni Thalia.
"Sa totoo lang, may isang babaeng nagturo sa akin, sa hideout na ito."
"Sino?" Tanong naman niya.
"Ang sabi’y Felisa ang pangalan niya."
Napakunot naman ng noo si Ruth, napatitig pa siya sa kawalan.
Felisa, Ellese? Sila ang magkapatid na pinaslang. Sabi sa kanyang isipan. Napansin niya si Thalia na parang nalilito.
"Felisa Fuego?" Tanging napatanong ni Thalia nakatingin na lang siya nito.
May narinig silang isang mahabang buntong-hininga; si Ericka pala iyon.
"Kung sasabihin ko sa inyo na nakakausap ko sila, o kaya’y naglalakbay ang diwa ko’t nakikita ko sila, maniniwala ba kayo?" Tanging narinig nilang tanong ni Ericka.
"Naglalakbay? Iyon ba’y nanaginip ka na parang totoong-totoo?" Rinig niyang tanong ni Thalia noon.
Napatingin siya kay Thalia, pati si Jasmin nakatingin kay Thalia.
"Nakikita ko ang mga dinaranas nila kapag naglalakbay ako."
"Nakikita? Hindi mo nararamdaman ang dinaranas nila?" Napatanong naman si Thalia.
"Anong ibig mong sabihin, Thalia?" Rinig niyang tanong ni Ericka na tila nalilito.
Siya rin ay nalilito ngayon; napaupo siya sa iisang hihigan, naging komportable siya noon. Pakiramdam niya’y ligtas siya ngayon.
"Wala, ang mahalaga’y ligtas ka, Jasmin."
Nanginig si Jasmin noon. Parang naramdaman niyang naranasan niya ngayon ni Jasmin na parang may tinatakasan.
"Matapos kong mag-cr, may nakita akong isang anino; akala ko’y si Ruth iyon at babalik sa tent natin, kaya dali-dali akong umalis noon. Akala ko nga’y tapos nang gumamit ng c.r. si Thalia noon e." Pagkwekwento nito.
"Sinundan ko siya hanggang sa makarating ako sa masukal na kagubatan. Iyon palang nasundan ko ay isang lalaki, lalaking nakasuot ng hood at jacket na masasabi mong anino. Natakot ako noon. Bigla na lamang may naamoy akong pampatulog, at nawalan ako ng malay tao." Pagpapatuloy nito.
"Paggising ko, nakatali na ang kamay ko, hindi nakapiring ang mga mata ko, sa isang warehouse, may naaamoy akong mga dugo, may naririnig akong sigaw nang hindi kalayuan, mga babae na umiiyak." Nakita ni Ruth ang takot sa mga mata ni Jasmin; kahit natatakot ito, nagkwekwento ito.
"Huwag mo nang ikwento, Jasmin. Naiintindihan na naming iyon." Sabi pa ni Thalia.
"Nakatakas ako, dahil may isang lalaking tumulong sa akin."
Nagkatinginan naman silang lahat noon.
"Namukhaan mo ba ang tumulong sa iyo?" Tanong ni Ericka.
Umiling lang ito. "Nakatago ang mukha niya."
"Pinatakas niya ako noong wala ang mga kasamahan nito." Salaysay ni Jasmin.
"Para akong criminal na nagtatago, hindi ko ininda ang gutom at uhaw basta lang makatakas ako. Makatakas ako sa mga kamay nila." Sabi naman nito.
"Bakit napadpad ka ulit sa warehouse?" Tanong naman ni Ruth noon.
"Nagpakita ulit si Felisa sa akin, noong nakita kitang naglalakad patungong warehouse, agad kitang hinila. Dahil mapapahamak ka kapag nakita ka nila."
Napalunok na lamang siya. Utang niya kay Jasmin ang buhay niya.
Nag-isip nang malalim si Thalia noon; hindi ito kumibo, napaupo ito sa sulok, na tanging ang flashlight lang ang ilaw sa kanila.
"Ano pa ang narinig mo, Jasmin?" Tanong naman ni Ericka.
"Habang tumatakas ako’t binabaybay ang masukal na kagubatan, malawak ang kanilang teritoryo, hindi ko alam kung makakalabas ba ako ng buhay rito, kung ito na ba iyon ang huling hantungan ko. Minsan naririnig ko silang nag-uusap, papatayin nila ako kaagad kapag nahanap nila ako dahil baka raw magsumbong ako sa kapulisan."
"Kailangan mo ngang magsumbong, tutulungan ka namin na makatakas rito."
"Natatakot ako." Iyon lang ang narinig niya kay Jasmin.
"Mabuti pa magpahinga na muna tayo, saglit. Lalabas ritong magkakasama ng buhay." Rinig niyang sabi kay Thalia.
Hindi nila alam kung anong oras na sa labas; ayaw niyang matulog dahil natatakot din siya sa kanyang pagpikit, baka saang lugar na naman siya dalhin at baka maipahamak pa niya ang mga kasamahan niya.
"Matulog ka na muna, Ruth. Huwag kang mag-alala, hindi rin ako makatulog ngayon." Napasabi pa ni Thalia sa kanya.
Umling siya, dahil din sa kanya na napahamak ang mga ito. Hindi siya dinadalaw ng antok.
Talagang komportable siya sa lugar na ito.
Napansin niyang nakatulog si Jasmin sa iisang hihigan; nakita niya ang hapong katawan nito.
"Hindi mo ba sasabihin sa kanya na ang nakausap niya ay isang kaluluwa?" Tanong naman ni Ruth kay Ericka.
"Hindi ko na kailangang sabihin sa kanya, dahil alam niya." Sabi pa nito.
"Hindi siya natatakot?" Tanong naman niya.
"Kapag buhay na ang pinag-uusapan, kung nasa bingit ka ng kamatayan, gagawin mo ang lahat para makatakas, walang pakialam kung sino ang gustong tumulong, buhay man o wala na rito, basta lang makatakas at mailigtas mo ang sarili. Iyon ang pinapaniwalaan niya."
Hindi na siya sumagot pa. Kung nangyari sa kanya iyon, kagaya kay Ericka ngayon, baka mawalan siya ng bait.
Nilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan at anyo kung saan sila magpapahinga ngayon. Hindi na kailangan ni Ericka na marinig ang kwento ni Jasmin, dahil alam na niya ang mangyayari. Ang magagawa lamang niya ay baguhin ang takbo ng panahon. Hindi sila dapat mapahamak. Kagaya ng sinabi ni Thalia, lalabas sila ng buhay rito.
Nakita niya si Thalia na nag-iisip; nakatulog rin si Ruth sa tabi nito.
"Thalia, may itatanong ako sa iyo." Sabi naman niya noon.
Tiningnan naman siya nang mataman ni Thalia. "Ano iyon?" Tanong naman nitong pabalik.
Gusto niyang tanungin si Thalia kung ano ang ibig sabihin nitong naglalakbay ito na tila ramdam ang paghihirap kung sino man ang nagparamdam nito.
"Sabi mo’y nararamdaman mo na parang ikaw ang nasa katauhan ng kaluluwang naghihirap. Nararamdaman mo ang buhay nila noon. Tama ba ako ng pagkakaintindi?" Tanong naman niya ng diretsahan sa kanyang kausap.
Hindi ito sumagot na tila nag-iisip. Tumango ito, na tama ang kanyang pagkakaintindi. "Bago tayo dumating rito, naglalakbay ako. Iyong lugar ng warehouse napasukan ko iyon, kung saan pinahirapan ang nagngangalang Ellese na pinatay noon." Sabi pa nito.
"Pinapahirapan? Iyon bang pagmamalupit nito?" Tanong niya.
Tumango ito sa kanya. Sa paglalakbay niya, kapag pinapakita ang importanteng pangyayari, hindi niya naririnig ang pinag-uusapan; tanging mga alaala lang iyon na parang lumulutang lang sa hangin na nanood ng isang palabas na walang boses o tunog siyang naririnig.
Magkaiba kami ni Thalia, naglalakbay siya na tila pinapakita ang pangyayari na para bang nangyari rin ito sa kanya. Tiningnan niya si Thalia, nagulantang siyang may nakasunod rin itong dalawang babae, isang bata, at higit sa lahat iyong nakita niyang lalaki na naghuhukay na kung ano ang hinuhukay nito na duguan ang kamay.
"Thalia," tanging nasabi niya.
"Bakit? Anong nangyari sa iyo at putlang-putla ka?" Napatanong ito.
Napalunok siya, tila’y nilamon siya ng mga impormasyon na nasa isipan niya. Nakita niya ang isang bahay, punong-puno ng maraming dugo. May nakita siyang lalaking may hawak ng baril, na pinuputukan ang dalawang babae, kasunod nito ang batang lalaki.
Napasinghap siya sa kanyang nakita noon, pinagpawisan siya nang malagkit. Isang buong pamilya ay pinatay ng isang lalaking hindi niya makita ang mukha, kagaya ito ng kasuotan ng kanilang nakita kanina.
Parang uniporme ng isang organisasyon.
"Ericka," tawag ni Thalia sa kanya.
Tiningnan niya nang mataman si Thalia. "Thalia, may pamilya bang pinatay noon?" Tanong nito sa kausap.
Nakita niya ang reaksyon ni Thalia; alam niyang binalita ito pagkatapos ng isang buwan ng pagpanaw nilang Ellese at Felisa, isang magkakapatid, pinatay sa sariling bahay na naliligo ng sariling dugo, walang sinanto kahit ang isang batang lalaki noon.
"Ang pamilyang nabalita noon, distansya lang ang bahay namin at magkaharap lang ang bahay namin, saka pinsan kong buo ang pinatay ng gabing iyon." Nakita pa niyang napakuyom ng palad si Thalia.
"Pinsan? A--- anong rason ng pagpatay?" Tanong naman niya sa kanyang kausap.
"Hindi ko alam ang buong detalye, hindi ko alam, dahil ayokong malaman ang masakit na pinagdadaanan ng mga pinsan ko; napakasakit sa kalooban ko iyon."
Naintindihan niya si Thalia; hindi niya dapat pilitin ang isang taong hindi pa handang magkwento, dahil masasaktan lang ito kapag pinilit. Kaya naman, tanging tango lamang ang isinagot niya.
"Nagkakaroon ka ba ng paglalakbay para malaman ang nangyari sa pinsan mo?"
Napakuyom ito, humigpit ang pagkapit nito sa jacket na suot, hindi na niya kailangan pilitin, dahil alam na niya ang kasagutan kahit hindi pa man ito magsalita at ikwento sa kanya.
"Nandito sila ngayon, hindi mo sila nakikita, pero may gusto silang iparating sa iyo, Thalia." Sabi naman niya noon.
Tumango lang si Thalia sa kanya; naniniwala ito sa pinagsasabi niya na hindi siya pinagtatawanan ng kanyang kakayahang makakita ng hindi nakikita na kung sino mang tao.
Marami pang mga agam-agam, at hindi pa rin malinaw kung ano ang puno’t dulo ng pagkamatay, at tila’y may mga nadadawit sa problema, problemang naungkat, dahil hindi tumitigil ang isang kaluluwang naghahanap ng isang hustisya; gagawa ito ng paraan para lang makamtan nito ang katahimikan.
"Kailangan makatakas tayo rito." Rinig niyang sabi ni Thalia.
May maliit na daanan, at makakita kayo ng lagusan, palabas rito. Pabulong na sabi ng isang babaeng hindi niya kilala, nakita niyang ito ang pinsan ni Thalia.
Mag-ingat pa rin kayo.
Hindi siya sumagot noon. Napapikit siya at nag-iisip-isip. May nakita nga siyang patang maliit na butas na kasya ang tao.
"Kapag gising na ang dalawa, lalabas tayo rito." Sabi naman ni Ericka.
"Alam mo namang delikado kapag bumalik tayo roon, baka nga makita tayo at wala na tayong takas kapag nalaman nila ang hideout na ito." Iyon lang ang sagot ni Thalia sa kanya.
"Hindi tayo dadaan doon," tiningnan niya si Thalia.
"Diyan tayo dadaan." Itinuro pa ni Thalia ang butas na napapalibutan ng cobweb.
Tiningnan naman siya nang makahulugang tingin.
"Basta magtiwala ka lang, Thalia, mataas ang instinct mo at gamitin mo iyan, paniwalaan natin ang survival instinct natin, Thalia." Napasabi naman niya.
Napakamot na lamang si Thalia, napakamot na lamang ito na tumango-tango sa kanya. Hindi na ito sumagot pa sa kanya.
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.
Napansin nilang napabalikwas ng gising si Ruth noon na habol-habol ang paghinga; nagising ito sa masamang panaginip, tagaktak ang pawis nito.
"Ruth? Anong nangyari sa iyo?" Napansin niya ang mukha ni Thalia na nag-aalala.
"Nasusuka ako." Parang namimilipit ito sa sakit ng tiyan. "Napakasama ng panaginip ko," hindi ito nakayanan at sumuka ito.
Dali—daling lumapit si Thalia sa kaibigan nito; siya naman dinulugan niya rin ito.
Noong nahimasmasan ito at kumalma na, hinintay nilang magkwento si Ruth sa kanilang dalawa ni Thalia noon.
Napapikit pa ito. "Napakaraming bangkay ang nakikita ko na parang inihulog sila sa kailaliman ng isang dam. Napakasangsang ng amoy." Sabi pa nito.
Gusto ulit sumuka nito. "Huwag ka nang magkuwento, okay na iyon." Sabi pa nito.
Tumango na lamang siya, hinayaan na lamang niyang kumalma ito, at aalis na sila kapag nakapagpahinga nang maayos si Jasmin na natutulog pa hanggang sa ngayon.
6Please respect copyright.PENANAyRslGjHRP5


