Masakit na ang ulo ni Jake dahil wala pa siyang tulog; nagpapahinga na muna sila saglit sa paghahanap kay Jasmin noon na bigla na lamang nawala. Hinihilot niya ang sentido niya para maibsan ang kanyang nararamdaman noon.
Hindi niya makita at ma-trace ang tracker na ibinigay nito. Nakita ang tracker nito sa isang masukal na kagubatan na bihirang napupuntahan ng mga tao.
Hindi nila makita ang katawan nito.
Napapailing na lamang sila. Malapit nang sumalubong ang araw, at wala pa rin silang lead kung nasaan na si Jasmin.
Akala niya, nawawala rin si Ruth noon, pati na si Thalia. Ayaw na niyang madagdagan ang pasanin niya kapag nawala pa ito. Halos hindi nga sila makapagpahinga sa paghahanap sa nawawalang estudyante; paano na lang kung tatlo ang nawala?
May mga gurong agad nakapag-pansin sa kinikilos nito. Tumayo sa kanyang kinauupuan. Sinalubong nito ang mga mabibilis na pagkilos.
"Sir Jake, halika." Tawag ng kanyang kasamahan.
Dali – dali siyang pumunta sa kung saan tinatawag siya.
"Ano iyon?" Usisa niya noong nakarating na siya.
"May nakita kaming isang bangkay doon." Seryoso ang boses na walang halong biro.
Tumango—tango siya.
"Let’s confirm if it's si Jasmin iyon." Sabi pa niya.
"Hindi pa gising ang mga bata, alam kong mag-uusyoso na naman ang mga iyan. Please let other teachers handle this circumstance." Sabi ng kanyang kasamahan.
Nagsitanguan naman ang mga kapwa niya guro.
Ayaw nilang maulo ang camp ng mga bata, at baka mas lalo pang magkaroon ng panic kapag nalaman nitong may nakita itong bangkay.
Limitado rin kung sino ang sasama sa nasabing lugar kung saan nakita ang isang bangkay. Ayaw din nilang mag-cause ng kalituhan sa mga mag-aaral.
Inabisuhan silang tatlo lang ang pupunta, at kasali siya doon.
Naglalakad sila sa masukal na kagubatan, na halos hindi na napupuntahan ng mga mag-aaral nila.
"Nandoon." Turo ng kasamahan niya.
Agad niya itong tiningnan ang tinuturo nito. Nakita niya agad iyon. Papalapit sila nang makaamoy sila ng isang masangsang na amoy.
Dahil para makompirma nila kung estudyante nga ba nila ito. Kahit man naamoy na nila ang laman nitong malapit nang mabulok, agad silang lumapit.
Tantiya niya’y babae ito, dahil mahaba ang buhok na parang nakatalikod ito.
"Mas mabuting tumawag na muna tayo ng mga kapulisan. Huwag na muna nating galawin ang bangkay." Iyon ang bigla niyang suhestiyon noon.
Kapag ganitong kaso at krimen, hindi nila dapat galawin ang krimeng pinangyarihan, baka mawala pa ang mahahalagang ebidensiya noon.
Nag-isip na ang kanyang mga kasamahan noon.
Tumango naman ang dalawa niyang kasamang guro.
"Mas mabuti pa nga, huwag na muna nating papalapitin at ipaalam sa mga bata ang nadiskobre natin." Sabi pa nito.
Siya na ang nagpaalam sa mga pulis na may nakita silang bangkay. Umaga na at nagpakita na ang araw. Nag-aantay sila sa mga pulis na dumating para rin makompirma nila iyon.
Para rin mawala ang mga pangamba na nararamdaman nila. Nasa malayo silang parte, nakatingin sa walang buhay na babae.
Napapailing na lamang siya.
Sino kaya ang haling na kaluluwa ang gumawa ng ganitong krimen? Kayang kitilin ng mga kabataang umuusbong pa lamang ang pangarap? Napasabi sa kanyang isipan noon.
Hindi niya ininda ang gutom at kawalan ng tulog. Hinihiling niya na sana ligtas pa rin ang kanilang estudyante na si Jasmin.
Nagsidatingan na rin ang mga kapulisan, kasama ang S.O.C.O. nito. Agad nilang ini-report sa kapulisan ang kanilang nakita.
Matapos, siniyasat na rin nito ang paligid noon.
Tahimik lang siyang nakamasid sa pinagagawa ng mga kapulisan. Nasilayan na niya ang mukha nito.
Babae nga ito.
Hinanapan ito ng I.D. para makilala kung saan ito nanggaling.
"Matagal na itong patay, tila hindi rito ang pinangyarihan ng krimen. Itinapon lang ito rito sa kagubatan." Iyon ang narinig nila.
Malaki ang pagpapasalamat niyang hindi si Jasmin ang bangkay. Natuwa siya pero nalungkot naman sa nangyari sa babae na kasing-edad rin ni Jasmin. Napapailing na lamang ito.
Nakita pa niya wasak ang puso nito at wala ang mga bituka, wala ring mga mata; kalunos-lunos ang kalagayan ng bangkay. Tantiya niya’y nasa karatig bayan lang ang batang kanilang nakita noon.
Bumalik na sila, dahil tapos na nilang makilala at makompirma na hindi si Jasmin iyon.
"Talagang usong-uso na ang kidnapping, lalo na sa mga kabataang babae. Maraming missing ngayon, natatagpuan lang ito ng ilang araw na wala ng mga lamang loob." Iyon ang naririnig niya.
Tumango naman ang kasamahan nito. "Tila’y binebenta ang lamang loob ng kanilang nakidnap. Usong—uso na naman ang human trafficking ngayon. Sana nga’y maaksyonan ang puno’t dulo ng Patayan rito." Napailing na lamang ito habang nagsasalita.
Hindi na siya sumabat sa usapan. Hindi lang naman ang human trafficking ang problema, pati na ang lantarang black market, mga illegal na gawain na hindi tanggap ng batas, lalong-lalo na ang lantarang paggamit ng droga.
Dahil sa mga pangyayari, hindi niya alam kung saan siya kakampi at paano niya ipagtatanggol ang mga kabataan sa paraan na alam niya.
Iniulat din nilang hindi si Jasmin ang bangkay na kanilang nakita.
"Mabuti naman, sana makita na rin natin si Jasmin." Saad ng nag-aalalang guro.
Kailangan pa rin nilang ipagpatuloy ang aktibidad.
Nagkaroon din sila ng emergency meeting para mas matutukan pa at mahigpitan pa ang mga kabataan; hindi sapat ang curfew lang. Para rin naman ito sa mga estudyante. Hawak nila sa mga guro ang malaking responsibilidad sa pag-aalaga ng mga kabataang nasa kanilang mga kamay ang kaligtasan nito.
Umaasa pa rin silang mahahanap at maliligtas pa nila si Jasmin, at dumadalangin na sana hindi na madagdagan pa ang mga pangyayaring nararanasan nila ngayon. Makakauwing ligtas at hindi kulang at walang masamang alaala ang mabubuo sa isipan ng mag-aaral ang camping ngayon.
Ayaw din niyang magkaroon ng trauma ang mga batang malapit nang mapahamak. Mas tutukan pa niyang maigi silang Thalia at Ruth, baka mawala na naman ito sa kanyang paningin, kagaya kagabi na halos nagsabay-sabay itong mawala na sabi’y mag c-cr lang ang mga ito.
Napapabuntong-hininga na lamang siya at nakaramdam na rin siya ng antok at pagod sa katawan.
Ikalawang ulit na. Ikalawang ulit na nangyari ito kay Ruth. Napasabi sa kanyang isipan noon, na wari’y nag-iisip at kinulamos ang kanyang mukha.
Nagulat na lamang siya matapos gumamit ng c.r. Bigla itong naglakad-lakad mag-isa sa masukal na kagubatan. Kasama niya rin si Jasmin noon. Akala ni Thalia na magsasabay itong bumalik sa kani-kanilang tent.
Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil pinabayaan niya si Ruth at nadamay si Jasmin sa kanyang katangahan.
Mas lalo pang humigpit ang ginawang seguridad ng kanilang guro, dahil hanggang ngayon, nag-aalala pa rin itong baka may mawala na naman sa kanila.
Dalawang araw na silang nandito sa campsite; kung hindi pa siya sumama, walang mangyayaring kakaiba. Tila, sinusundan siya ng kamalasan, at sunod-sunod pa itong dumating sa kanya ngayon.
Kahit hindi man niya masyado kilala si Jasmin, nag-aalala pa rin siya. Hanggang ngayon, wala pa ring ulat kung ito ba’y natagpuan o hindi.
Ipinagpatuloy pa rin ng mga guro ang mga aktibidad. Subalit, mas lalo pang humigpit ito sa kanila, lalong-lalo na sa kagaya nilang babae.
Napapansin niya ang paligid na tila alerto pa rin ito. Kahit ipinagpapatuloy pa rin ang aktibidad. Hindi na pinapayagang makalabas pa o makapunta sa masukal na kagubatan nang mag-isa ang mga babae.
Mamayang gabi, hahanapin ko nang mag-isa si Jasmin. Ang tanging sabi sa kanyang isipan noon.
Kahit tahimik man si Ericka, kahit hindi sila nag-uusap, malakas ang kutob niyang tatakas rin ito mamayang gabi para hanapin ang kaibigan nitong nawawala.
Ayaw niyang masisisi o kaya’y dala-dala ang konsensya; walang masama kung susubok niyang hahanapin si Jasmin.
Tiningnan niya si Ruth noon, napapailing na lamang siya, palagi itong nawawalan ng alaala sa mga pinaggagawa niya.
Hindi naman niya sinisisi si Ruth, palagi siyang nagtataka sa mga kilos nito.
Madaling naggabi at alam niyang ang mga guro nila ay isa-isa silang tiningnan sa tent kung may nawawala ba na estudyante dahil sa nangyari. Hindi na rin sila basta-bastang makakalabas sa kanilang tent kung may valid reason sila at may chaperone silang guro.
Napapabuntong-hininga na lamang si Thalia kung paano siya tatakas mamaya-maya para hanapin nang mag-isa si Jasmin.
Saan ko ba siya sisimulang hanapin? Napatanong naman siya sa kanyang isipan noon. Wala siyang clue kung saan siya magsisimula sa kanyang pinaplanong paghahanap sa kasamahan niya.
Paniwalaan mo ang instinct mo. Napasabi sa kanyang isipan.
Matapos kumain ang mga mag-aaral, may kaunting programa pa rin sila para naman pagtakpan ang takot ng iilang mga estudyante.
Alas, nuwebe ang kanilang curfew; kailangan nakapag-CR na sila o ihanda ang sarili sa kanilang pagtulog. Tama nga siya, sinasamahan nga sila ng kanilang guro kung saan sila papatungo.
"Magsitulog na kayo." Sabi naman ng kanilang guro noon, na tiningnan sila. Wala silang magawa dahil hindi sila iiwan kung walang matutulog sa kanila.
Hintayin na lamang niya na makatulog at tumahimik ang kanyang paligid. Maya—maya pa’y nakaidlip siya sa paghihintay na tumahimik ang kanyang paligid.
Maya-maya pa'y nagising siya ng isang kaluskos o galaw na nanggaling sa kanyang mga kasamahan. Naalimpungatan siya at tiningnan ang orasan; hindi pala naka-set ng tama ang orasan sa kanilang tent.
Nasa alas nuwebe pa rin ito nakalagay. Tiningnan niya ang kanyang wristwatch; hatinggabi na pala.
May nakita siyang anino; hindi niya alam kung sino ang nagmamay-ari ng aninong kanyang nakita. Nakita pa niyang naglalakad ito papalabas.
Tahimik na ang paligid noon, walang ni isang ingay ang kanyang narinig, tanging ang kalikasan lamang ang bumubulong sa tahimik na hatinggabi.
Dahil inatake siya ng kuryusidad, lumabas siya nang tahimik na walang nakaalam na lumabas siya. Nakita niya ang babaeng nagtatago sa kakahuyan.
Sinundan niya ito.
Baka may lead ako sa paghahanap ni Jasmin. Napasabi sa kanyang isipan.
Hindi niya napansin na nadala pala niya ang ribbon na ibinigay kahapon ng kanilang guro. Isa itong manipis na ribbon. Itatapon niya sana ang ribbon na iyon, pero may bumulong sa kanya na huwag itong itapon.
Kaya naman, itinago niya lamang ito sa kanyang bulsa at dali-dali ring sinundan ang anino ng babae.
Hindi niya aninag ang pagmumukha nito; naglakas-loob na lamang siyang sundan iyon. Sa tulong ng liwanag ng buwan, nakikita niya ang daang kanyang tinatahak. Sa palagay niya nasa pusod na sila ng kagubatan noon.
Biglang tumigil ang anino na kanyang sinusundan; nakita pa niyang nagpaling-linga ito, kung wala bang nakasunod. Napakunot ang kanyang noo niya noon.
Agad niya itong hinila. Sisigaw na sana ang babae nang mamukhaan niya kung sino ito.
"Ericka?" Gulat niyang tanong.
"Thalia." Sabi pa nitong nagulat rin.
"Anong ginagawa mo rito?" Iyon lang ang sagot niya.
Agad itong may tinitingnan, naging alisto ang tingin nito na tila may hinahanap sa paligid.
Bigla na lamang siyang hinila ni Ericka.
"Bakit?" Tanging tanong niya noon.
"Shh."
Mabilis ang kanilang lakad na tila’y may sinusundan. Mas lalo siyang kinulit ng kyuryusidad niya.
"Sino ang sinusundan natin?" Mahina niyang tanong sa kanyang kausap.
"Si, Ruth."
"Ha?"
"Naglalakad siya ng tulog. O kaya’y sleepwalking."
Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.
"Maniwala ka man sa akin o hindi," napalunok pa ito bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "May kasama siyang babae na hindi mo nakikita."
Nagsitayuan ang balahibo niya at tila’y humangin ng malamig na hihip ng hangin.
"Saan siya tutungo?"
"Hindi ko rin alam." Iyon lamang ang sagot nito.
Napansin niya ang isang pamilyar na lugar, kung saan nakita niya sa kanyang panaginip na tila’y totoong-totoong nangyayari.
May nakita silang isang warehouse na inabandona na ng panahon. Kinilabutan siya bigla. Tila nagsasabi ang kanyang isipan na huwag tumuloy sa warehouse na nakikita nila.
Nakita niyang may biglang humila sa kamay ni Ruth at nagtago ito sa lilim ng puno. Napansin niyang may ilaw ng flashlight na tila may hinahanap. Sila rin ay nagtatago noon.
"Nasaan na ba iyon?" Rinig nila ang pag-uusap.
Nagkatinginan pa sila ni Ericka, at sumenyas si Ericka na huwag maingay. Sa tulong ng liwanag ng buwan, may nakita silang dalawang lalaki na hindi nila namumukhaan.
Nagbabadya ang isipan at katawan niyang huwag na huwag magpapahuli sa mga lalaking namamasdan nila. Nakatakip ito ng mask at nakasuot ng isang jacket na kulay itim.
"Hanapin na natin iyon. Huwag ka nang magreklamo."
"Hindi pa iyon nakalayo. Babae iyon at hindi nila tayo matatakasan."
Doon, naintindihan na niya kung nasaan sila. Kailangan nga nilang bumalik agad para malaman ng kanilang guro ang sitwasyon.
Umalis na kaagad ang dalawang lalaking nag-uusap. Pinapakinggan pa nila ang papalayong mga yabag ng mga paa.
"Kailangan na nating umalis."
"Nababaliw ka ba? Paano si Ruth?" Tanong niya sa kanyang kausap.
"Kailangang malaman iyon ng ating guro."
"Hindi ako aalis kapag hindi ko kasama si Ruth!" Pasiil niyang sabi kay Ericka.
Napansin nilang may ingay silang maririnig. Natakot sila at nalito kung saan sila magtatago.
Papalapit nang papalapit ang yabag ng hakbang ng mga lalaking nakita nila; tila’y mabilis itong naglalakad kung saan sila nakatayo at nagtatalo.
Bigla na lamang may humila sa kanila. Kaya nakatago sila sa halamanan noon.
"Ano ka ba, wala naming tao rito." Rinig nitong reklamo.
"May narinig akong mga babaeng nag-uusap."
"Minumulto ka na siguro."
Matagal-tagal na hindi umalis sa pinagtatayuan ang isang lalaki.
"Tayo na, huwag nating sayangin ang oras." Sabi ng kasamahan.
Maya—maya pa’y naglalakad na ito papalayo. Hindi na muna sila nag-uusap.
Tiningnan nila kung sinong humila sa kanila.
Nagulat siya sa kanyang nakita.
Isang babaeng magulong-magulo ang buhok, naka-hood jacket ito at nakasuot ng casual na pantulog.
"Jasmin." Napasabi niya.
Nakahinga siya nang maluwag noon. Nakita pa niyang niyakap ito ni Ericka na halatang nag-aalala sa kanya.
"Halina kayo, hindi ligtas ang lugar na ito." Pabulong na sabi ni Jasmin noon.
Napansin niyang nagulat si Ruth noon na tila’y pinoproseso kung anong nangyari. Dali-dali niyang hinila si Ruth, at sumunod silang Ericka, na walang kakibo-kibo. Gusto nilang makatakas noon, at ang tanging kaligtasan lang ang nasa isipan nila ngayon, habang binabaybay ang isang masusukal na kagubatan noon.
ns216.73.216.133da2

