Mabilis ang pakpak ng balita; nabalitaan ni Felix ang pangyayaring may pinaslang na estudyante mismong sa harap ng bahay. Nagiging mainit na paksa na naman ito, dahil wala pang nakalap na impormasyon kung bakit pinaslang ang estudyante.
Napapakamot na lamang siya sa kanyang ulo na nakikinig ng balita.
Ano bang nangyayari sa lungsod na ito? Napatanong sa kanyang isipan na humihigop ng kanyang kape dahil nag-aalmusal siya.
May mga katanungan pa ring gumugulo sa kanyang isipan, lalong-lalo na ang pagpaslang sa kanyang magulang. Hindi pa niya masabi kung pinaslang o kaya nama’y naturang na kamatayan lamang ang ikinamatay nito.
Hindi niya maikonekta ang pangyayari ngayon, dahil bata pa lamang sila ay namatay na ang kanyang magulang. Napapakunot-noo na lamang siya.
Nakita niyang napadaan ang kanyang kapatid na sumunod sa kanya.
"Jen?" Tawag niya, nakita niya kasing pumasok ito sa kwarto.
Hindi ito sumagot sa pagkatawag niya, kaya naman, napakunot-noo na lamang siya.
Baka hindi niya narining? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
"Jenny, kapag tapos ka ng magbihis diyan, sabayan mo na akong kumain rito." Tawag niya ulit sa kanyang kapatid na babae.
Hindi pa rin ito nagsalita, kaya naman nagtataka na siya sa ikinikilos ng kanyang kapatid. Kapag kasi tinatawag niya ito, agad itong sumasagot.
"Jenny!" Tawag niya.
"Kuya? Bakit po?" Tanong nito, biglang sumulpot sa kanyang harapan na saan hindi pa ito nakabihis.
Nagtaka naman siya.
"Pumasok ka kasi sa kwarto mo kanina na nakasuot na ng uniporme ---" napatigil siya sa pagsasalita. "Baka, kulang lang ako sa tulog."
Napakunot naman ang noo ng kanyang kapatid sa kanyang rason.
"Hindi po ako pumasok sa kwarto, kuya. Saka, wala akong pasok ngayong umaga."
Heto na naman tayo. Reklamo sa kanyang isipan.
"Okay ka lang, kuya?" Biglang tanong ni Jenny.
Tumango na lamang siya noon. Hindi na niya ikinuwento at hindi dapat malaman ng kanyang kapatid ang mga nangyayari sa kanya na kakaiba. Napapabuntong-hininga na lamang siya. Minsan lang siyang dinadalaw ng abilidad na iyon.
Nakadepende kung gaano kaimportante.
Umupo si Jenny sa tabi niya.
"Pumasok na si Thalia ngayon?" Napatanong naman siya sa kanyang katabi.
Tumango na lamang ito; nakita niya ang pagkalungkot ng mga mata nito.
"Balita ko’y schoolmate iyong ipinagbabaril na estudyante kahapon." Sabi niya na nag-iisip na iniinom ang kape niya.
"Opo kuya, si Jasmin." Sabi naman ng kanyang kausap.
Napapabuntong-hininga na lamang siya noon. Iniisip niya ang mga batang kay aga binawian ng buhay, kahit hindi niya kilala ang batang tinutukoy ni Jenny, nalulungkot siya sa sinapit nito.
"Sana, makamit na nga kaagad ang hustisyang dapat matanggap ng mga biktima."
"Hustisya? Sa mundong hindi ka marunong maglaro, hindi makakamtan ang hustisya na ganoon kadali."
Hindi niya nilingon ang nasa harapan niya; sinulyapan niya ito, isang babaeng duguan. Kailangan niyang hindi siya magpahalata sa mga nakikita niya.
"Paano namin makakamtan ang hustiyang hinahanap namin, kung hindi rin kayo nagsasalita? Paano namin maipapanalo at maangkin ang dapat maangkin, kung ang kagaya ninyo’y may alam sa kaso, ay tikom ang bibig?" Napatanong naman ang isang kaluluwa.
Tantiya niya’y ito ang mga babaeng nawawala at makalipas ang ilang araw ay nakikita sa ibang lugar na hindi kompleto ang lamang-loob nito. Sinulyapan niya ang anyo ng mga ito, wakwak ang laman nito, hindi niya maatim na titigan.
"----- Ya, Kuya! Hoy!" Untag sa kanyang kapatid na si Jenny.
Nasapo niya ang kanyang noo. Katabi pa rin ito ng kanyang kapatid.
"Kung tutulungan ninyo sana kami, hindi kayo magagambala nang ganito." Pabulong nitong sabi.
Alam niya kung kanino nanggaling ang boses na iyon, kilalang-kilala niya, dahil minsan niya rin itong natulungan, natulungan ang kakambal at isang kapatid nito.
"Jenny, papasok na muna ako sa loob ng kwarto, inaantok pa ako." Naghikab siya, tumayo at pumunta sa kwarto, at muli, nasulyapan niya si Ellese na tinitigan siya nang mataman.
Ayaw niyang madamay ang mga kapatid niya, kaya hindi niya rin sinasabi ang kakayahan niyang makita at marinig ang mga boses nito. Noon pa, simula nang mamatay ang magkakapatid, parati na rin siyang ginugulo, lalong-lalo na noong namatay din ang kanyang pinsan na kasali sa organisasyon.
Hindi na niya nakikita ang kaluluwa nito, pero tantiya niya’y binabalikan pa rin nito ang bahay na kung saan kaharap lang nila.
Napaupo siya sa kanyang higaan; naalala pa niya ang nasaksihan niya sa bahay na iyon. Matapos ipalabas na nabaril ang kanyang pinsan, sinunod nito ang mga kapatid na wala namang kamalay-malay sa nangyayari, punong-puno ng dugo. Halos hindi niya makilala ang mga pinsan niya, pati na rin ang bunso nito ay hindi pinatawad at pinaslang din.
Hanggang ngayon, hindi pa rin malaman ng kapulisan kung anong puno’t dulo ng pagkamatay ng mga ito. Pinalabas ito sa telebisyon at maraming haka-haka ang lumabas. Maaaring nilooban ito ng bahay at nanlaban ang mga pinsan niya kaya pinaslang.
Pero, hindi siya naniniwala. Noong nalinis na ang crime scene sa bahay ng pinsan niya, bumisita siya noon. Agad niyang nakita ang pangyayari, ipinakita mismo sa kanya ang totoong pangyayari, at doon, alam niyang plantsado ang lahat.
Ano bang laban namin sa mga taong kayang gawin ang lahat? Sinong maniniwala sa abilidad na taglay ko ngayon? Sa mundong ito, pagtatawanan ka dahil ang tawag sa iyo ay isang baliw. Napasabi sa kanyang isipan noon.
"Ellese, patawarin mo ako. Hindi ko kayang isakripisyo ang buhay ng mga kapatid ko." Bigla niyang sabi.
"Maawa ka sa mga kapatid mo, madadawit pa rin sila rito at mas lalong maraming mapapahamak."
"Ellese, wala tayong sapat na ebidensya para ipakulong ang ama at kapatid mong lalaki. Kapag binaliktad ang pangyayaring iyon, alam mo ang kalalabasan." Sanay na niyang nakakausap ang kaluluwa ni Ellese.
"Kaya nga, makipagtulungan ka sa kakambal ko, si Mikaela, at si kuya Jake."
"Sapat nang tulungan ko ang dalawa mong kapatid na makatakas, si Ruth --- Chesca, huwag na ninyo siyang guluhin pati si Fredelyn."
"Sila ang pag-asa namin. Sila ang pag-asa naming maisiwalat ang lahat na ginagawa ng aming ama." Bigla itong naglaho.
Napabuntong-hininga siya.
Kahit pilit mong limutin ang madilim na nakaraan, kahit takasan at talikuran, bumabalik pa rin ito. Napahiga na lamang siya na nag-iisip.
Hindi niya alam kung papasok ba siya ngayon sa paaralan. Tinitingnan niya ang kisame sa kanyang bahay. Nakahiga siya sa sofa ngayon. Wala siyang huwesyo na magturo at magpakaguro sa mag-aaral ng paaralan kung saan siya nagtatrabaho.
"Kuya," may tumawag sa kanya.
Alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Hindi siya sumagot, napakuyom siya sa kanyang palad, muntik nang mapahamak si Ruth sa camping trip, at nakita pa niya ang pinsan niya roon.
Malakas ang kutob niyang may kinalaman ang pinsan niya sa pangyayari; iyon din ang sinasabi ni Mikaela. Ang problema’y wala silang sapat na ebidensya sa mga pangyayari; hindi rin masyadong naalala ni Mikaela ang ganap nang gabing iyon, dahil sa magkakapatid, ito ang unang nakatakas.
Si Ruth—Chesca, alam niyang marami itong alam, kaya naman, alam niyang nagtatrabaho ang mga galamay nito para sindakin ulit si Cheska, nagpapasalamat siyang naging epektibo ang gamot na tanggalan ito ng alaala, dahil sa trauma rin nitong natatamasa.
"Kuya, nabalitaan kong may pinatay na estudyante kahapon."
Napabuntong-hininga siya, bumangon siya, at tiningnan ang newspaper; hindi siya sumagot noon.
Nailigtas niya nga ito sa camping trip, pero hindi naman niya naligtas ang buhay nito noon.
What a stupid teacher I am. Napasabi sa kanyang isipan.
Alam niyang nagluluksa ang mga mag-aaral, pati na rin ang paaralan, sa nangyari sa isang estudyante.
Tiningnan niya si Mikaela; siya na mismo ang nagtago sa pinsan niya. Alam niyang kumikilos din ito nang papalihim, pero hindi niya alam kung anong pinagagawa nito.
"Yeah." Sagot na lamang niya sa sinasabi ni Mikaela noon.
"Hindi ka ba papasok ngayon?" Tanging napatanong ito sa kanya.
"I will," matipid niyang sagot.
Kailangan pa rin niyang pumasok sa paaralan. Bilang isa sa mga guardian ni Mikaela, hindi niya hinahayaang makalabas ito nang mag-isa, dahil mainit pa rin sa mata ang pangyayari; nag-homeschool na lang muna si Mikaela, para rin naman ito sa kapakanan ng kanyang pinsan.
"Kumain ka na, kung may problema ka, tawagan mo lang ako." Paalala niya sa dalaga.
Tumango lang ito bilang pagsang-ayon sa pinagsasabi niya ngayon. Tiningnan niya ang wristwatch niya.
Hindi na siya makakaabot sa kanyang first period class. Agad siyang pumunta sa garahe at agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan noon.
Kailangan niyang gumawa ng paraan para magkaroon ng hustisya sa pagkamatay ng dalawa niyang pinsan, at para din sa makamit niya ang hustisya na sobrang ilap sa kanila, ang hustisya sa pagkamatay nang biglaan ng kapatid ng kanyang ina na naging pangalawang asawa ng ama at inang totoo ni Ruth.
Noon pa, ang pamilyang Fuego ay makapangyarihan, pero hindi siya nakukumbinsi sa mga ito, dahil lahat ng mga nasa mataas at may kapangyarihan ay may malaking itinatago, at nagtatago sa kadiliman.
Kahit hindi niya pinsang buo ang dalawang magkakambal at si Felisa, naaawa pa rin siya sa mga ito, dahil nawalay din ito sa murang edad sa ina at unang asawa nito. Hindi niya magawang kamuhian dahil alam niyang biktima din ang mga batang iyon.
Maraming tumatakbo sa kanyang isipan, habang nagmamaneho siya, napakuyom siya bigla, dahil alam niya sa sarili niya na ang pinsan niya ang pakana ng lahat, hindi niya lang mahanapan ng butas dahil nag-iingat ito palagi.
Easy Jake, huwag mong madaliin, trust the process. Iyon lang ang nasa isipan niya kapag nawawalan siya ng pasensya.
Ngayon, mas lalo niyang pinagsisihan kung bakit hindi niya rin binigyan ng proteksyon ang dalagang si Jasmin. Kung binigyan lang niya ito ng proteksyon, hindi ito mamamatay. Alam niya, alam niyang may nalalaman si Jasmin, hindi niya ito pinipilit dahil ayaw niyang makintal sa isipan ng bata ang masamang pinagdaraanan nito.
Hindi ito humingi ng tulong; binigyan niya ng kalayaan ang bata na pumili, at pinili nito na kalimutan na lamang ang nangyari, at doon, naging kampante siya.
You need to calm down, hold your temper, Jake. Pinapakalma niya ang galit na nararamdaman niya at guilt na kinakain siya ngayon.
Kung pinilit ko lang ang batang iyon, kung kinausap ko na lamang ito ng masinsinan, malamang masasagip ko ang buhay ng batang iyon.
Bigla na lamang siyang napatigil sa kanyang pag-iisip nang may biglang babaeng tumawid, kaya naman napahinto siya kaagad. Agad siyang lumabas sa kanyang sasakyan, at agad niyang nakita ang babaeng biglang tumawid.
"Ale, ayos ka lang ba?" Tanong naman niya.
Isang babaeng nasa katanghalian na ng gulang. Tiningnan siya nang may makahulugan na tingin.
Tumango na lamang ito sa kanya. Nakahinga naman siya nang maluwag noon.
"Salamat sa pag-aalala, Hijo. Mag, iingat ka rin, maraming nakasunod sa iyo na kaluluwa." Paika—ika itong lumakad, matapos sabihin iyon sa kanya.
Nabigla na lamang siya sa kanyang narinig, kaya naman tiningnan niya ang papalayong babae na muntik na niyang masagasaan. Napailing na lamang siya.
Agad siyang bumalik sa sasakyan at pinaandar ang sasakyan. Napag-isip naman siya sa sinabi ng babae sa kanya.
Kaluluwa? Spirits? Napatanong sa kanyang isipan, na muli nagmamaneho.
Kaluluwa ba ng nakaraan? Siguro, maniniwala pa ako. Pero kung multo ang tinutukoy, hindi ko naintindihan ang gusto niyang iparating.
Nasulyapan na niya ang paaralan na kung saan siya nagtatrabaho. Agad siyang pumunta sa garahe, kung saan naka-park ang lahat ng sasakyan. Matapos niyang mag-park, agad siyang nanaog sa kanyang sasakyan.
Tahimik ang paligid.
"Good morning, sir." Iyon ang bating naririnig niya kapag nasasalubong niya ang mga mag-aaral. Tanging tango na lamang ang sagot niya sa mag-aaral.
Pumasok kaagad siya sa faculty room. Tahimik din ang faculty room, baka nasa klase ito. Tiningnan niya ang oras; mabuti naman at sa 2nd period makakapasok siya.
Tiningnan niya kung saan siya magtuturo.
Section B, Grade 10. Napasabi sa kanyang isipan.
Parang ayaw niyang magturo sa section na iyon, dahil namatayan ang section na iyon ng mag-aaral. Napabuntong-hininga na lamang siya.
Umupo siya sa kanyang teacher’s table, pinag-iisipan niyang mabuti kung papasok ba siya ngayon.
Sa time niya, naisipan niyang hindi na muna siya magkaklase, agad siyang umabot sa classroom nilang Jasmin.
Pagpasok niya, napakatahimik ng mga mag-aaral. Ang ibang babae na kaibigan ni Jasmin ay halatang mugto sa kakaiyak, lalong-lalo na si Ericka na tahimik lang sa tabi-tabi.
Ayaw niyang magsalita kung ano, nandoon siya sa teacher’s table, pinapakiramdaman niya ang kanyang mag-aaral. May nakita pa siyang larawan, kandila, at mga bulaklak na nasa desk na pagmamay-ari ni Jasmin kung saan siya’y nabubuhay.
"Dadalhin po naming iyan, sir. Mamaya." Sabi ng kaklase nito.
Tumango na lamang ito sa kanila. Tiningnan niya ang larawan ni Jasmin na makikitang masaya itong nabubuhay sa mundong ito.
Kinakain na naman siya ng konsensya niya. Napakuyom na lamang siya sa kanyang palad.
5Please respect copyright.PENANAotpgxmlz1J


