Mag-aalas-dose na ng gabi nang makarating sina Lola.
81Please respect copyright.PENANAhJ4FB0Dpp5
Ayos na rin ang burol ni Tatay noon. Tahimik ang paligid, pero mabigat-parang may nakadagan sa buong bahay.
81Please respect copyright.PENANAdT1XdPxBJ3
Ang mga kandila ay nakahilera, nagpapalaganap ng mahihinang liwanag na naglalarawan ng lungkot at katahimikan.
81Please respect copyright.PENANAaW1dFeJ38B
Pagpasok pa lang ni Lola sa pinto,agad siyang humagulgol.
81Please respect copyright.PENANAppEMBCcabA
"Jusko, anak ko," wika niya habang umiiyak.
"Anong nangyari sayo."
81Please respect copyright.PENANAIRk2ljby8k
Kumuha ng tubig si Tito Gavin.
81Please respect copyright.PENANACChwJeqDq5
"Ito, Nay, uminom ka muna."
81Please respect copyright.PENANAh18DgdeSq8
Hindi na niya kailangang magsalita. Sapat na ang iyak niya para maiparamdam ang bigat ng pagkawala.
81Please respect copyright.PENANAVfiEJTqhei
Pinagmamasdan ko ang mga luha sa mata ng mga tita at tito ko. Ang tingin nila sa kabaong ni Tatay-ang katawan na wala nang buhay-ay puno ng sakit at pangungulila. Ang bawat galaw nila, bawat hikbi, ay parang nagpapakita ng hindi matitinag na pangungulila.
81Please respect copyright.PENANAFy4kUlkTBF
"Keith," wika ni Tita Glenda, panganay sa kanila.
81Please respect copyright.PENANAo6tlbuIkNq
"Kuya," mahinang sagot ni Tito Jayden.
81Please respect copyright.PENANAC5Q0IwiSVt
Habang nakatitig sa kabaong, bumalik sa isip ko ang lahat. Hindi ito ang unang beses na naramdaman ko ang ganitong sakit.
81Please respect copyright.PENANABIpYJXRadI
Sa puwesto na iyon, binurol ang Tito ko noon. Ngunit ngayon... siya naman. Ang tatay ko.
81Please respect copyright.PENANAB2RQIEcS11
At doon ko tuluyang naintindihan:
81Please respect copyright.PENANATM3G9sthNu
Kahit gaano ko piliting sabihing okay na, may mga pagkawala talagang hindi kailanman nagiging madali.
81Please respect copyright.PENANAZXXDR3OfDZ
"Ano bang nangyari, Yanna?" wika ni Tita Glenda.
"Magkausap pa kami nyan kanina."
81Please respect copyright.PENANAzVodmSKnx2
"Hindi ko rin alam, Ate," wika ni Nanay, pilit na pinipigilan ang luha.
81Please respect copyright.PENANAkBNWAngX2q
"Pinapa-uwi ko na nga siya kasi sobrang init at may sakit sa puso, eh gabi na, wala pa rin."
81Please respect copyright.PENANAGa62BbFAFM
Umalis ka lang, Tay... ngunit bakit hindi ka na bumalik? Hindi ka man lang nagsabi...
81Please respect copyright.PENANAcsHD3Q8vwg
Lumipas ang mga araw. Gabi-gabi, walang pagbabago. Ang sakit, ang pag-iyak ni Nanay-lagi kong naririnig. Ang bawat tunog sa bahay, mula sa hangin sa bintana hanggang sa tik-tik ng relo, ay parang nagpapaalala ng pagkawala niya.
81Please respect copyright.PENANADWHONR2yHN
"Nay," wika ko.
81Please respect copyright.PENANAaPQots9MlB
"Nandyan sina Zoe."
81Please respect copyright.PENANAvQRo4M9c9q
"Ikaw na muna, Teh," wika ni Tita Juliet.
81Please respect copyright.PENANAmthM4VUAvz
Umiiyak si Nanay. Alam kong masakit, pero hanggang kailan ka ganyan? Paano na ako? Paano ang nararamdaman ko?
81Please respect copyright.PENANAXYbzuhV7bn
"Nay, ikaw na humarap sa kanila," wika ko, pilit na kinukumbinsi siyang siya ang humarap sa tao.
81Please respect copyright.PENANAipAoaLsWh8
"Alam mo namang hindi kaya ng nanay mo na humarap sa tao," sagot ni Tita Julia.
81Please respect copyright.PENANASoLUerXWtz
Nakatingin lang ako, parang nawawala sa sarili. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw. Pero hindi ko magawa.
81Please respect copyright.PENANAGc1mYS2qgm
Pumunta kami sa sala kung saan binurol si Tatay. Nandoon si Zoe, classmate ko since Grade 3, at ang kanyang ina, si Tita Anne.
81Please respect copyright.PENANANnE1gLEj75
"Nakikiramay kami," wika ni Tita Anne.
81Please respect copyright.PENANALhQNlyzVab
Tumango lang siya, pero bakas parin sa kanyang mga mata ang sakit.
81Please respect copyright.PENANAyAvoP63k87
"Ano bang nangyari?" tanong ni Tita Anne.
81Please respect copyright.PENANALChUv9I9LB
"Inatake sa puso," sagot ni Nanay.
81Please respect copyright.PENANAhyZr85icYs
Nagkwekwentuhan sila ng ilang minuto at kalaunan ay nagpaalam na rin sa kadahilanan na madilim na rin.
81Please respect copyright.PENANAJVRDcrjUyM
Isa itong pangungunot na hinding-hindi na makakagising pa. Ang bigat, ang katahimikan, ang dami ng luha... lahat ay tila nanatili sa paligid, nagpaparamdam ng kawalan.
81Please respect copyright.PENANAGuBxq1iNMB
At sa susunod, paano ko haharapin ang lahat nang wala siya...
81Please respect copyright.PENANAMfSITDjyFZ
81Please respect copyright.PENANAHaueDndPK0
81Please respect copyright.PENANA038v2pyrcT
81Please respect copyright.PENANAFtmovYheeg


