"Tata!" Tawag niya sa kanyang kapatid, habang naghahanda ng pagkain si Jenny.
"Ate!" Tugon naman nito, habang lumabas ito sa kanilang kwarto, na may dala-dalang bag, dahil ngayon ang araw ng camping trip nito sa paaralan.
"Halika na, baka ma-late at maiwan ka sa school bus ninyo." Tawag niya rito, kapag umaga, siya na ang naghahanda ng hapag, dahil may trabaho pa ang kuya nila. Matagal pa naman ang klase niya ngayon, kaya naman inasikaso na muna niya ang kanyang kapatid.
"Mas mabuti nga na maiwan ako sa bus e."
Tiningnan niya ito kung nagbibiro, pero kilala niya si Thalia; hindi ito mahilig magbiro, seryoso ito palagi. Napailing na lamang siya at mahina niyang binatukan si Thalia.
"Kumain ka na. Tatawagin ko lang iyong bunso natin." Agad niyang iniwan ang kanyang kapatid na babae sa hapag.
Habang patungo siya sa kwarto ng kanyang kapatid, bigla na lamang siya nagkaroon ng isang premonition ng mga larawang mangyayari. Hindi ito para sa kanya, kundi nakikita niya si Thalia.
Napatigil siya sa paglalakad.
Thalia bulong sa isipan niya.
Sa kanyang premonition, nakita niya si Thalia na naglalakad sa mahabang sementadong daan; may nakikita siyang dalawang babae na kasama nito sa paglalakad.
Hindi ito tao. Napasinghap siya, isa itong kaluluwa. Nakita pa niyang naglalakad ito patungo kagubatan. Nagimbal siya nang biglang lumingon ang isang babae, duguan ang mukha nito na parang nakangiti sa kanya.
Nawala agad ang premonition niya, nagimbal siya sa kanyang nakita, at pagngiti ng isang kaluluwa, pinagpawisan siya nang malagkit, hinabol na muna niya ang kanyang paghinga.
Kung kailan pa ngayon aalis ang kapatid ko! Ngayon ka lang nagpakita sa akin nang ganito! Galit niyang sambit sa kanyang isipan.
Hindi niya pinagsasabi ang kanyang mga nakikita sa hinaharap; bagkus, iniiwasan niyang gamitin ang mga nakikita niya. Gusto niyang mamuhay nang tahimik at hindi nagagambala ang normal niyang pamumuhay na tinatamasa niya ngayon.
Hanggang ngayon, natatakot pa rin si Jenny sa mga premonition na nakikita niya; hindi pa rin siya sanay na may ganito siyang abilidad.
"Ate?" tawag ng kanilang bunsong si Greg. "Anong gawa mo riyan?" Tanong nitong inosente sa kanya, pitong taong gulang pa lang ang bunso nila.
Biglang nawala lahat ang iniisip niya. Pinakalma na muna niya ang kanyang isipan; bumawi siya sa gulat na nakita niya. Ngumiti lamang siya sa kanyang kapatid.
"Wala, gising ka na pala. Kumain na muna tayo?" Tanong niya sa kanyang kapatid na lalaki.
Tumango na lamang ito sa kanya. Agad silang bumalik sa mesa kung saan nag-aantay ang kanyang kapatid.
Nakita niya si Thalia na tahimik lamang na kumakain sa hapag, habang hinihintay silang dalawa na makabalik para saluhan nila si Thalia. Natakot na naman siya kung ano ang mangyayari rito sa camping.
Kung naapaaga lang ang premonition niya, may dahilan siyang palusot para sa kuya niya; pinakalma na lamang niya ang takot niya.
Kumalma ka, Jenny. Napasabi sa kanyang isipan noon.
"Ate, bakit? May problema ka ba?" biglang tanong ni Thalia sa kanya.
"Wala naman, bakit?" Tanong naman niya pabalik sa kanyang kausap.
"Ah, napansin ko kasi na tila hindi ka ngayon mapakali."
Napapansin na pala ng kanyang kapatid ang balisa niyang mukha. "Wala, may inaalala lang ako ngayon." Palusot, niyang sabi.
Tumango na lamang ito sa kanya. "Alam ko naman na makakaya mo iyan, ikaw pa." Ngumiti pa ito sa kanya.
Ngumiti lang siya pabalik sa kanyang kapatid.
"Ako na maghuhugas sa pinagkainan mo, humayo ka na at baka maiwan ka nang tuluyan sa school bus." Sabi niya rito na napansing tapos na itong kumain at nililigpit ang pinagkainan nito.
Napakamot na lamang ito sa kanya. "Oo na," iyon lang ang tanging narinig niya.
"Ate Ta, kalian uwi?" tanong naman ni Greg kay Thalia.
Nakita lang niya na ngumiti si Thalia kay Greg. "Di naman ako magtatagal, three days lang si ate mawawala ngayon." Sagot naman sa katanungan ng bunso nila.
Tumango lang ito. "Ate, ingat doon." Sabi nito.
"Thank you."
"Sige na, ako na ang bahala, ihahatid ko pa to sa paaralan." Sabi naman ni Jenny.
"Sige po." Magalang nitong sabi sa kanya. "Aalis na ako." Sabi naman nito.
"Thalia." Bigla niyang tawag.
Lumingon ito sa kanya.
"Mag-iingat ka roon." Iyon lang ang napasabi niya, base sa masama niyang nakikita ngayon tungkol kay Thalia.
Muling tumango ito at sinundan pa niya ang kanyang kapatid na nag-aabang ng masasakyan sa labas ng bahay. Dahil maaga pa ay walang masyadong sasakyan ang dumadaan kaya matatagalan ito.
May bigla na lamang huminto ng isang sasakyan.
"Buti, naabutan pa kita. Halika na," kaklase ito ni Thalia na si Ruth. "Good morning po." Napansin pala siya nito.
Ngumiti lang siya noon. "Good morning."
Nagkaroon na naman siya ng isang premonition.
Nakita niyang naglalakad ng mag-isa si Ruth sa madilim na daan, umiiyak at humihingi ng saklolo, tumatakbo itong walang sapin ang mga paa. May sumusunod itong dalawang lalaking nakatago ang mukha.
May narinig siyang putok ng baril.
"Ate?" Iyon lang ang naulinigan niyang boses ni Thalia.
Pinagpawisan na naman siya noon. "Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Thalia sa kanya.
Nasapo niya ang kanyang noo. Umiling siya noon, tiningnan niya si Ruth.
Nagulantang siya sa anyo ni Ruth na naliligo ng sariling dugo at wala nang buhay na suot ang uniporme nito.
"Ate, magpahinga ka na." Iyon lang ang sabi ni Thalia na nag-aalala sa kanya.
"Ruth, mag-iingat ka, huwag na huwag kang lalabas sa camp nang mag-isa tuwing gabi." Bulalas niya at nasapo ang kanyang ulo na biglang sumakit.
Nagkatinginan naman sila ni Thalia.
"Y--- yes po, halika na, Thalia."
Agad sumakay si Thalia sa sasakyan nilang Ruth noon.
"Ate? Bakit parang may kasamang babaeng nakasunod nilang ate Thalia?" Tanong naman ng bunso nito na tahimik lang nagmamasid.
Tiningnan niya ang kanyang kapatid na lalaki.
"Tapos po, may nakita po akong isang lalaking maitim din po."
Nagsitayuan ang balahibo ni Jenny sa pinagsasabi ng kanyang bunsong kapatid ngayon. Iyong nakita niya kay Ruth, nakita niya ang orasan na nakasabit sa tent nilang Ruth kaya alam niya ang mangyayari.
Diyos ko, huwag naman sana. Dasal sa kanyang isipan.
Tiningnan niya ang kanyang bunsong kapatid. Nagtataka siya sa pinagsasabi ng kanyang bunsong lalaki.
May sixth sense ba itong kapatid ko? Ang sabi’y kapag bata, may posibilidad na malakas ang sixth sense nito. Napasabi sa kanyang isipan.
Pinilit niyang kalimutan ang nakikita niya sa premonition pati ang kanyang narinig sa kanyang kapatid ngayon, pero balisang-balisa pa rin siya, malakas pa rin ang kutob niya bilang isang babae.
Papalalahanan ko na lang ang kapatid ko mamaya na sasamahan si Ruth kung saan ito magpupunta. Napasabi sa kanyang isipan.
Napansin niyang napahawak nang mahigpit si Greg sa kanya, at nagtago ito bigla sa kanyang likod.
"Ate, pasok na tayo." Sabi naman nito.
Hindi niya maintindihan ang kinikilos ng kanyang kapatid na lalaki. Tiningnan niya ang kaharap nitong bahay.
Wala siyang sabi—sabing pumasok ulit sa kanilang bahay. Alam niyang abandonado na ang kaharap ng kanilang bahay. Natatakot si Greg sa bahay na iyon. Nakwekwento nito minsan na may nakikita itong babaeng walang ulo na naglalakad. Binalewala niya ang mga iyon, sa kadahilanang malawak lang ang guni-guni ng kanyang kapatid na lalaki.
Inayusan naman niya si Greg, para makapasok ito kaagad sa paaralan. Papasok din siya ng maaga. Naabutan pa sila ng kanilang kuya. Dumiretso naman muna ito sa kwarto nito para magpahinga.
Nakintal sa kanyang isipan ang mga pangyayaring magaganap pa lamang sa hinaharap. Kinikilabutan siya sa mga nakikita niya sa kanyang premonition, dagdagan pa na aalis ngayon si Thalia.
Nagiging paranoid na naman siya dahil sa abilidad niyang hindi naman niya hiningi sa tanang buhay niya. Gusto lang naman niyang maging normal ang takbo sa buhay niya. Kapag nakasanayan niyang palagi na lang nangyayari, baka hindi na maibalik ang dating pamumuhay niya.
Alam niya noong bata pa siya, sinisisi pa rin niya ang kanyang sarili kung bakit hindi niya pinigilan ang kanyang magulang na umalis noon. Alam niyang magkakaroon ng isang aksidente na magdudulot ng kamatayan ng kanyang magulang.
Napakuyom na lamang siya. Ngayon, kung may magagawa lang siya kay Ruth, ay hindi niya ito pababayaan.
Naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang paglalakad ng mag-isa ng kanyang kapatid na si Thalia na may kasamang kaluluwa. Hinilot na niya ang sentido niya dahil sumasakit na ito sa kakaisip niya.
"Anyare sa kapatid mo kanina?" tanong ni Ruth sa kanyang katabing si Thalia.
May inaayos na muna ito bago ito umupo sa tabi niya. Umiling na lamang ito na hindi rin alam ang dahilan kung anong nangyari sa kapatid nito.
"Bigla akong nag-aalala kay ate Jen." Napasabi naman nito.
Kumunot naman ang kanyang noo noon. "Medyo na-weirdohan ako sa ate mo kanina." Komento niya.
Tumango lang ito bilang pagsang-ayon. Nakita pa niyang tiningnan nito ang phone nito, pagkatapos kumunot ang noo at walang imik na umupo sa kanyang tabi.
"Oh? Bakit ganyan ang pagmumukha mo?" Tanong naman niya rito matapos maupo ito sa kanyang tabi.
Tiningnan naman siya ni Thalia. "Magiging chaperone ako sa iyo, ngayon hanggang matapos ang camp natin." Sagot naman nito sa kanya na seryoso ang mukha.
Umarko bigla ang kanyang kilay noon sa kanyang narinig. "Bakit?" tanging sambit lamang niya.
"Ewan." Maikli nitong sagot sa kanya.
Biglang pumasok sa bus ang kanilang guro.
"Please settle down. In any minute, aandar na ang school bus. If gusto na muna ninyong pumunta sa comfort room, please pumunta na muna kayo para tuloy-tuloy na ang byahe natin." Iyon ang tangi nilang narinig sa kanilang adviser na sinisigurado kung maayos ba ang mga mag-aaral na kanyang nasasakupan.
Nagsitanguan na lamang ang mga mag-aaral.
"Ikaw? Gagamit ka ba ng c.r. ngayon?" Tanong ni Thalia sa kanya.
"Tara, baka maihi ako sa byahe mamaya." Sabi naman niya.
Walang imik na sinamahan siya ni Thalia.
"Sir, mag-c-c.r lang po kami." Paalam naman niya.
Tumango lang ang kanilang guro sa kanila. Agad silang bumaba ng bus at dali-daling pumunta sa c.r. ng kanilang paaralan. Nasa first floor lang naman ang c.r., kaya malapit lang sa kanila iyon at hindi na sila pupunta sa taas ng building.
"Thalia, sobrang weird talaga ng ate mo ngayon." Sabi naman niya habang naghuhugas na siya ng kamay para muling bumalik sa bus.
Hindi naman ito umimik sa kanya; alam naman niyang hindi ito pala-imik na tao. Tahimik lang itong nag-aantay sa kanya malapit sa pintuan.
"Tara na." Yaya naman niya kay Thalia na tahimik. Nakatalikod ito sa kanya; hindi niya alam kung ano ang minamasdan nito. Hindi ito kumilos sa kinatatayuan nito.
"Hoy, kapag talaga maiwan tayo ng bus, ikaw ang sisisihin ko." Pagbibiro niyang sabi kay Thalia noon.
Wala pa rin itong imik sa kanya, kumunot agad bigla ang noo niya sa kadahilanang hindi siya pinapansin ni Thalia noon na hanggang ngayon nakatanaw pa rin ito sa parang.
Nakaramdam siya ng kilabot sa kanyang katawan; hindi niya alam kung bakit bigla niya itong naramdaman ngayon. Imbes, matakot siya, naiinis siya ni Thalia, kaya naman pinaharap niya ito.
Sa pagharap nito, isang babaeng duguan ang sumalubong sa kanya; naka-uniporme ito, mas lalo siyang nagimbal sa ayos nito na nakangisi ito’t matalim siyang tinitigan. Hindi siya makasigaw sa kanyang nakita; tila’y nawalan siya nang lakas para tumakbo at sumigaw.
Naramdaman niyang papalapit ito sa kanya. Minamasdan niya ang babae at biglang nakita niya ang kanyang sariling punong-puno ng dugo. May tama siya ng baril sa kanyang tagiliran, madumi ang unipormeng kanyang suot at magulo ang kanyang buhok, at walang sapin ang kanyang paa.
Nakita niya ang mga latay sa kanyang binti.
Hindi siya makapangusap, hindi siya makasigaw, habol-habol na niya ang kanyang paghinga na tila’y malapit nang mapatid sa nararamdaman niyang takot, kaba, at pag-aalala na nararamdaman niya ngayon.
Mas lalo siyang nanginig dahil tila’y bumulong ito sa kanya.
"Malapit na tayong magkita, kapatid."
Hinaplos-haplos pa ang kanyang mukha na nakangiti sa kanya. Ang tanging magagawa lamang niya ay pumikit.
Diniinan niya ang kanyang pagpikit; ayaw niyang sa muling pagbuka ng kanyang mga mata ay makikita niya ulit ang nakakatakot na anyo ng babae na tinatawag siyang kapatid.
Kapatid? Wala akong kapatid. tanggi niya sa kanyang isipan noon.
"R—uth! R-----uth! Hoy!" May naulinigan siyang boses na tinatawag ang kanyang pangalan noon.
"Hoy! Ruth Dalia!" tawag sa kanyang buong pangalan, naramdaman niyang may yumuyogyog sa kanyang mga balikat, at tila’y may mga maliliit siyang boses na naririnig.
Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Agad sumalubong sa kanya ang mukha ni Thalia na nag-aalala sa kanya; balisa itong tiningnan siya.
Inilibot niya ang kanyang paningin; wala ang babaeng nagpakita sa kanya. Nanlambot ang kanyang mga tuhod noon at bigla siyang napaupo sa sahig.
Nagtatataka siyang ilang minuto siyang nakatayo.
"Ms. Dionson?" Tawag ng kanilang guro.
"Kung masama ang pakiramdam mo, it’s okay na hindi ka sasama." Sabi naman nito.
Nagulat naman siya noon at napakunot ang noo na tiningnan ang nagsasalita kung tama ba ang kanyang narinig.
"B--- Bakit po?" Muli niyang nahanap ang boses niya noon.
Tiningnan naman siyang nagtataka ni Thalia. "Hindi mo alam? Kailangan mo talagang magpahinga, Ruth." Seryoso, nitong sabi ni Thalia.
Gulong-gulo ang utak niya ngayon; umiling-iling siya na hindi niya alam kung anong reaksyon ang papalabasin niya.
"A—ano bang nangyari?"
"Gaga! Huwag mo akong lokohin, Ruth! Tumatayo ang balahibo ko sa iyo." Agad batok ni Thalia sa kanya.
"Let’s go. If you’re okay, hindi ko na tatawagan ang parents mo."
"Okay lang po talaga ako." Sabi niya sa kanyang guro.
Tiningnan siya nang masama ni Thalia noon. Hindi niya maintindihan si Thalia na wari’y nag-aalala sa kanya.
Nakita na nila ang bus, kaya agad silang pumanhik.
"Hay salamat. Makakaalis na rin tayo; isang oras din tayong pinag-antay." Rinig niyang komento ng kanyang kaklase.
Isang oras? Taka niyang tanong sa kanyang isipan.
Kasama nila ang guro at nasa katabi ito ng driver na naka-upo. Hindi pa nakaalis ang iba, para sabay-sabay silang aalis sa paaralan. Hindi lang kasi ang kanilang seksyon ang makakasama nila, pati na ang ibang seksyon.
Naramdaman niyang umandar na ang bus. Naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Kinulbit niya si Thalia; hindi pa rin malinaw sa kanyang isipan kung bakit ang pagkawala nilang dalawa ni Thalia ay isang oras.
"A—A—Ano bang nangyari? Hindi ko talaga maalala." Sapo na niya ang kanyang noo noon.
"Hindi mo ba naalala na bigla kang lumabas sa bus na walang paalam?" Tanong naman nito.
Kumunot ang kanyang noo at tiningnan niya ang kanyang kausap.
"Thalia, are you kidding me? Nagpaalam ako kay sir kanina."
"Anong nagpaalam? Pagkatapos kitang kausapin na mag-CR tayo, bigla kang bumaba sa bus na walang paalam. Huwag mo akong pinagloloko, Ruth Dalia." Inis nito, sabi niya sa kanyang katabi.
Sino iyong kasama ko kanina? Napatanong sa kanyang isipan.
"Pagkatapos, natagpuan kitang tulala na malayo ang tanaw, Ruth. Ngumingiti ka ng parang sira. Kinakausap kita pero panay pa rin ang ngiti mo. Kakaiba ang ngiti mo, Ruth. Pagkatapos, noong dumating si sir, biglang nagalit ang anyo mo at hindi ka pa rin kumikibo. Hanggang nawalan ka ng malay." Pagkwento nito sa kanya.
"Buti, agad kitang naalalayan at niyugyog kita." Tiningnan pa siya nito.
Napailing-iling siya sa kanyang narinig kay Thalia. Biglang nagsitayuan ang balahibo niya sa buong katawan.
May bigla na lamang tumapik sa kanya. Hindi na nagsalita si Thalia noon. Nasa isipan niyang kailangan siyang pumunta sa camp, dahil nandoon ang sagot sa kanyang mga katanungan.
Sa instinct niya, konektado ito sa camping nila ngayon. Maraming gumugulo sa kanyang isipan at bakit siya tinawag na kapatid?
Nag-iisang anak lamang siya sa pamilyang Dionson. Gusto na muna niyang magpahinga dahil sumasakit ang ulo niya, hindi pa rin nag-sink in sa kokote niya ang mabilis na pangyayaring naganap ngayon.
Mag-iingat ka, Ruth. Tanging alaala niya kay Jenny noong papaalis sila. Nagbuntong-hininga na lamang siya.
Tiningnan niya si Thalia na malayo at nasa malalalim na pag-iisip.12Please respect copyright.PENANAmybbB0wow0


