44Please respect copyright.PENANANziSpDbZh5
“Ang hindi ko sinabi… siya palang pinaka-nag-ingay sa puso ko.”
Umaga. Maaga pa. Tahimik ang ospital.44Please respect copyright.PENANAZ0rycCQnlF
Hindi pa bumabalik si Chin. Iniwan siyang may ngiting pilit, habang si Mondie ay nanatili sa kama, nakatulala sa kisame.
Pero sa loob ng drawer sa tabi niya, may sekreto.
Isang maliit na notebook. Marumi na ang gilid. Gamit na gamit.44Please respect copyright.PENANAbbT1nsGZgY
Walang ibang nakakakita nun maliban sa kanya. Kahit ang nurse na malapit sa kanya, hindi pa ‘yun nahahawakan.
Bago pa siya magpanggap na hindi niya siya nakakikilala…
Bago pa siya ngumiti na parang estranghero…
Bago pa niya sabihing, “Sino ka nga ulit?”
Isinulat na niya lahat.
Unang Liham
“Chin,44Please respect copyright.PENANAt3n6A9rkZo
Kung binabasa mo ‘to… baka nakita mo na ang notebook ko. At kung nakita mo na, siguro oras na rin para aminin ko sa sarili ko.44Please respect copyright.PENANAdhdPzAeuuS
Hindi ako nakalimot. Hindi kailanman.44Please respect copyright.PENANAngsqdckVDO
Noong sinabi ng doktor na may posibilidad akong mawalan ng alaala, kinabahan ako—hindi dahil sa trabaho, hindi dahil sa buhay ko.44Please respect copyright.PENANAvxqxLz5wbS
Kinabahan ako dahil… baka mawala ka.44Please respect copyright.PENANAoYKe5MrcwA
At ayokong mawala ka.44Please respect copyright.PENANAOA5RROKTfm
Kaya sinimulan kong isulat lahat.44Please respect copyright.PENANAdRLgHhFI8H
Araw-araw.44Please respect copyright.PENANAHL0rzZxUQG
Kasi kung sakaling makalimutan kita… gusto kong mahanap ulit ang daan pabalik sa’yo.”
Isinulat niya iyon limang araw matapos siyang i-confine.
At mula noon, hindi siya tumigil.
Ika-walong araw
“Ang weird. Pinuntahan mo ako ngayong araw. Hindi ka sigurado kung dapat kang pumasok. Kitang-kita ko ang takot sa mata mo.44Please respect copyright.PENANA3HnXpsNBOv
Chin, gusto kong yakapin ka.44Please respect copyright.PENANAcKiTXEahU8
Pero hindi ko ginawa.44Please respect copyright.PENANA2xOhLy26Sh
Kasi hindi ko alam kung papayagan mo ‘ko.44Please respect copyright.PENANAhtxH7NgTJS
Kasi kahit hindi ko pinapakita, naaalala ko pa rin kung paano kita sinaktan.44Please respect copyright.PENANAgJnOgaJ31X
At baka hindi pa sapat na gustuhin kong itama iyon.”
Sa bawat araw na lumipas, lalo siyang nababaliw sa ideya na hindi niya puwedeng ipakita ang totoo.
Na hindi niya nalimutan.
Na ang bawat halakhak ni Chin, bawat pag-iwas ng mata, bawat pilit na lakas… ay parang kutsilyong dahan-dahang lumulubog sa dibdib niya.
At hindi siya puwedeng magsalita.44Please respect copyright.PENANA9B8OYH2GLX
Kasi baka layuan siya.44Please respect copyright.PENANArcpJAKLSG7
Kasi baka hindi pa siya handang patawarin.
Ngayon, habang mag-isa siya, binubuklat niya ang notebook.
Hawak niya ang bolpen.
Nagsusulat ng panibagong liham.
Ika-labinglimang araw
“Chin,44Please respect copyright.PENANAt9O1nNn5iI
Ang gulo mo.44Please respect copyright.PENANAoPWw5MQoBP
Ang ganda mo.44Please respect copyright.PENANAtMI2xdqfQA
At ang hirap mong hindi mahalin.44Please respect copyright.PENANApc07D6jBUa
Hindi ko na alam kung anong mas mabigat: ‘yung hindi kita makausap ng totoo… o ‘yung araw-araw kong sinusubukan kalimutan ang sarili kong alaala.44Please respect copyright.PENANA1umffmCqLL
Pero hindi ko kayang kalimutan ka.44Please respect copyright.PENANAzOGnlBRmWK
Chin, hindi ko kailanman nakalimutan.44Please respect copyright.PENANAwrnjupuhKE
Pinili ko lang magkunwaring hindi ko alam, para bigyan ka ng panibagong simula.44Please respect copyright.PENANAik9EJ6D2pi
Para kung sakaling piliin mo ulit ako… ‘yung ako ngayon, hindi ‘yung ako noon.”
Bumukas ang pinto.
Napalingon si Mondie.
Si Chin. May dalang lugaw at prutas. Suot ang maluwag na hoodie. Pagod ang mata pero may ngiti pa rin.
“Hi,” bati nito. “Okay ka lang?”
Tumango siya. Itinago ang notebook sa ilalim ng kumot.
“Okay lang,” sagot niya. “Salamat sa pagbalik.”
Umupo si Chin sa tabi niya. Tahimik silang dalawa.
Habang pinapakain siya ni Chin, lihim siyang ngumiti.
Dahil kahit hindi alam ng babae… araw-araw, isinusulat niya ito.
Ang pagmamahal.
Ang kasalanan.
Ang pangarap.
Ang pag-amin.
Na kung sakaling mawalan siya ng boses… may panulat siyang ipapasa sa kanya.
Bago siya matulog, binuksan niya ulit ang notebook.44Please respect copyright.PENANA4ImFmotDYd
Nag-drawing siya ng maliit na puso.
At isinulat ang pinakamaikli pero pinakamalalim na sulat.
ns216.73.216.139da2“Chin,44Please respect copyright.PENANAIdTVoZblFZ
Hindi ako nakalimot.44Please respect copyright.PENANAf7TRfZHWnW
Pinili ko lang maghintay.”