Kabanata XII: Balik-Tanaw
Mainit ang sikat ng araw sa kalye ng Burnayan, pero hindi iyon hadlang kay Pepe para ipagpatuloy ang kanyang paglalakad sa kalsadang yari sa cobblestone. Nakasuot siya ng light brown na t-shirt at faded na pantalon, na nakasuot ng Ear Buds, parang hipster na estudyante ng kasaysayan na na-stranded sa makasaysayang panahon, pero yung lang buhok ang iba. Lumalagapak ang bawat hakbang niya sa lumang kalsada, napapalibutan ng mga bahay na gawa sa ladrilyo, may mga bintanang Capiz na sa sobrang kinis, puwedeng gawing salamin ng multo. Yung ibang mga bahay ay bago pero hinango pa rin sa mga lumang bahay upang mapreserve nila ang arkitektura nito.
Habang nilalagpasan niya ang Plaza sa tapat ng stage, biglang kumislap ang mata niya. Hindi dahil sa araw—kundi dahil sa isang pamilyar na pigura sa Empanadahan. Naghihintay pala si Yoli sa Empanadahan. Mga limampung metro ang layo pero kita niya ang signature niyang braided hair, naka-green na dress, ang fake na eyeglasses for style, at ang permanenteng nakadikit na ngiti sa mukha.
"Ayun siya, ibang outfit na naman oh. Fashionista talaga si Yoli." bulong ng puso niya pero kunwaring tumingin siya sa langit na para bang interesado siyang bilangin ang ulap. Smooth, 'di ba?
Sa langit, nakita niya ang isang pirasong ulap na parang hugis empanada. Napangiti siya at nagka-flashback siya.
Noong Pebrero ng 2023, isang rejection na parang uppercut sa puso ang kaniyang dinanas Tatlong taon niyang niligawan si crush, pero sa huli, “Sorry, Pero meron na akong jowa. There was this guy who I liked from Australia.” ang tinanggap niya. Boom. Knockout.
Sa sobrang sama ng loob, halos isama niya ang bote ng Red Wine na Carlo Russi sa pagtulog niya sa Valentine's Day. Ang puso niya, lasing. Ang utak niya, sabog. Ang playlist niya? Puro hugot songs ni Moira, December Avenue, at Ben&Ben. Ang Classic.
Pagkalipas ng ilang araw, parang zombie na si Pepe. Walang gana. Wala na ring ilaw ang mundo niya. Pero nakayanan niya pa lang naging with high honors sa klase nila.
Pero noong unang araw ng Marso, habang nagre-research siya kung pwede bang pandilig ang rice water sa mga halaman at ano ang mga resulta nito, may nag-pop up sa Messenger: "Hi, Kuya. Do you know me?"
Una, balak niya i-ignore. "Spam to siguro," bulong niya. Pero curious din siya. At, naging interesado siya dito.
Pag-check niya sa pangalan: Yolanda Paa.
Napaisip siya. “Paa? Parang may potential 'tong batang 'to maging runner sa sportsfest.”
Tinype niya, "Ilang taon ka na? Anong grade mo na?"
"Grade 6 po. Ikaw kuya?"
"Grade 11," sagot niya.
At mula roon, nagsimula ang kakaibang koneksyon. Parang instant noodles na nilagyan ng extra cheese—di mo inaasahan pero masarap.
Araw-araw silang nag-chat. Parang biglang nagkaroon ng bunso si Pepe. Si Yoli, sweet at parang inosente. Pero may pagka-kulit. May tanong every 5 minutes, pero never naman naging annoying kay Pepe. Parang marshmallow na may sense.
Pagkatapos ng labing-anim na aras, nangyari ang hindi inaasahan.
Sa Plaza Immaculada, sa tapat ng Divine Word College of Burnayan, andun si Migs, na nakaupo sa mga stone tables.
"Pre, may nag-iwan ng lunch mo dito," sabi ni Migs, nakangiti pa na parang alam ang chismis.
Pagkaupo ni Pepe sa stone table, may note na nakapatong sa lunch an McDonald’s pala:
“Para kay Kuya Pepe -Yolanda”
Habang pinapapak niya ang spaghetti at chicken Mcdo, may tumapik sa balikat niya.
"Hi kuya, kumusta ang lunch?"
Si Yolanda. Face mask on. Braided hair on point.
"Ang sarap. Belated Happy Birthday pala," sagot ni Pepe.
"Thanks kuya, celebration ko ngayon. Pwede tayong magselfie?"
Nagselfie sila. First picture together. Bagong memory unlocked.
Noong Biyernes Santo, trahedya ang hahampas kay Pepe sa gabi ng araw na iyon na parang bata na nawala sa SM Mall of Asia.
Naka-sotana si Pepe, ready mag-serve sa prusisyon ng Santo Entierro. Pero habang nasa Plaza, narealize niyang nawawala ang cellphone niya. Naka-panic mode na si Pepe, at dadagdag dito ang karami—rami ng tao dahil ang Semana Santa sa Burnayan, dahil sa mga antigong carroza at mga parang-buhay na rebulto, higit isang milyong turista ang dumadayo sa lungsod sa panahong iyon.
Pumunta siya sa KOA adviser nila, nanghiram ng phone, tinawagan ang sariling number—waley. Walang sumasagot. Sinubukan niya ito pag-ring-in at nakarating na ito ng 22 na beses, pero walang wala. Wala na siyang magawa, kundi ipaalam niya ang pangyayari sa mga magulang niya. At, ipinagtuloy ni Pepe ang server niya. “It’s like God wanted me away from my phone to make me more closer to Him on the day of His Son’s death.”, wika niya sa kanyang sarili.
Pagkatapos ng prusisyon, umuwi na siya at nag-post siya sa Facebook gamit ang laptop:
“Kung sino man po ang nakakita ng cellphone ko, please contact me. May mga mahahalagang memories po doon. Salamat.”
Ang comment section? Parang bayanihan. Pero ang top comment ay mula sa City Public Safety Office:
“We have recovered a phone matching this description. Kindly claim it at our office.”
Nagpasalamat siya kay Lord. At kay Yoli, na todo tulong sa paghahanap.
Pagkatapos naman ng isang araw, gustong maghangout si Yoli, kaya pumayag naman ni Pepe na lalabas sila.
Pumunta si Pepe sa McDo na nasa tabi ng Plaza. Yung alam lang ni Pepe ay dalawa lang sila, pero naku mali siya. Nakita niya si Yoli, ang lola nito, at isang kaibigang si Kyla na Grade 9.
“Dito kayo mga bata, para ako nao order” wika ng lola ni Yoli. Pero,
“Lola ako na lang ang oorder. Ako na lang,” sabi ni Pepe, palihim na pogi points.
Kumain sila, nagkwentuhan, tapos nagpasyal sa mga lumang bahay. Dumaan din sila sa Plaza Selling. Parang educational field trip pero may halong kilig. Noong umuwi na si Kyla ng biglaan, pumunta sina Pepe at Yoli sa mga bench na nasa flyover ng Plaza Selling at nagchismisan ang dalawa.
Pagkatapos ng Holy Week, balik-eskwela. Pero may sikreto sila—araw-araw, may liham na binibigay si Yoli kay Pepe.
Parang 90s-style love story na ito. Walang text, walang DM. Pure penmanship, na may mga emojis at ILY, folded man o origami style may parang kulay sa bawat liham na naibibigay bawat araw.
Ilang araw bago ang graduation ni Yoli, nagconfess siya.
“Kuya, gusto kita.”
Tahimik si Pepe. May slow motion effect. Napag-isip siya ng saglit, na parang nag-freeze lang ang oras. Hanggang sa ngumiti siya at sabihing, “Ako rin.”
At yan na, meron na ang kilig to the bones.
Noong graduation ni Yoli, nandun si Pepe, civilian attire na naghihintay sa labas ng Auditorium. Pagkatapos ng 6 na oras na program, pumunta sila sa Chowking para sa tanghalian. Andun ang Lolo at Mama ni Yoli.
"Taga-saan ka, iho?" tanong ni Lolo.
"T-Taga-Pu-Pu-Puerto Pandan po ako, Sir," sagot ni Pepe.
Tahimik si Pepe nung una. Nanginginig ang kaluluwa niya. Pero habang lumilipas ang oras, napansin niyang okay naman pala sila. Lolo, chill pero ang nakakatakot na aura. Mama, supportive pero di pa niya alam. Ayos? We still don’t know.
Isang buwan ang lumipas. Nagdate sina Pepe at Yoli sa Plaza Selling.
Doon niya natanggap ang unang yakap. At ang unang halik sa pisngi.
Simple pero tumatagos sa puso. Ang alam ng publiko ay magkapatid ang dalawa, pero sa likod ng mga kurtina, magjowa pala sila.
Nagtapos ang flashback ni Pepe at balik na sa kasalukuyan.
Biglang may dalawang palad na pumikit sa mga mata ni Pepe.
“Ready to go, Lovey?”
Si Yoli.
Ngumiti si Pepe. “Oo, punta na tayo, Louvre.”
Kumunot ang noo ni Yoli. “Louvre? Hindi ba yan ang tawag mo sakin noong June to August? Naku, anong nakain mo ngayon, Lovey?”
“Wala, Yoli.” Ngiting pilyo si Pepe.
“Tara na, meron tayong pagshopping at una, kakain pa tayo ng empanada. Tara na, Lovey, naka-order na ang lola ko doon.”
Sabay silang tumawid papunta sa Empanadahan. Ang init ng araw, hindi ramdam. Ang kwento nila, nagpapatuloy. At ang empanada? Mainit-init pa.
5Please respect copyright.PENANABoEPAVp945