Kabanata IX: Ang "Pinsan"
Isang umaga ng sabado, nagchismisan sina Pepe at Yolanda.
Yolanda: “Pepe:<”
Pepe: “Oh Yoli, ba’t parang uulan ka ngayon?”
Yolanda: “Tingnan mo kasi ito ha”
Nagsend si Yolanda ng larawan ng isang lalaki.
Pepe: “Sino siya?”
Yolanda: “Siya si Tito Jan Jan, pinsan ko siya. Namatay siya”
Pepe: “Hala, napaano siya?”
Yolanda: “Naatake siya sa puso”
Pepe: “Hala condolence. Nakikiramay ako”
Yolanda: “Thanks”
Pepe: “So, ano gusto mong gagawin ngayon?”
Yolanda: “Alam mo, ang cute niya na cousin ko, ang lambing niya kaya”
Pepe: “Wehhh”
Yolanda: “Oo, alam mo nung minsan, pumunta kami sa isang mall at of course nagenjoy kami doon. Nilibre niya ako ng isang C2 Medium na Lemon, at Fudgee Bar. Sabi niya, iyon ang kanyang mga paboritong pagkain.”
Pepe: “Aww”
Yolanda: “At nung minsan, yinakap niya ako at hinalikan niya ako sa noo. Sabi niya, ‘Alam mo, mag-iingat ka ha? Nandito si Kuya Jan Jan mo palagi”
Pepe: “Aww”
Yolanda: “Teka, nagseselos ka ba kay Tito Jan Jan?”
Pepe: “Ako? Hindi”
Nagtaka na si Pepe kung paano sila related.
Pepe: “Teka, paano pala kayo magpinsan?”
Yolanda: “Kapatid yung mama niya ang lola ko”
Pepe: “Hmm, taga-saan siya?”
Yolanda: “Bakit? Bakit mo tinatanong yan?”
Pepe: “Wala, of course gusto ko lang manalig sa patron ng bayan nila para may kapayaan ang kaniyang kaluluwa”
Yolanda: “Nakatira siya sa Lungsod ng Calamayan. Sa isang liblib na barangay na medyu malayo sa highway”
Pepe: “Aww”
Yolanda: “Pepe, umiiyak na ako:<”
Pepe: “Beb, kalma ka lang, no need to cry, nandito ako para sa’yo”
Yolanda: “Thank you, I always count on you. I miss him”
Pepe: “Iiyak mo na lang yung lungkot mo, habang vinivirtual hug kita ok?”
Yolanda: (umiiyak) “Miss ko na siya:<”
Pepe: “There, there bebe ko, shh shh, it will be alright”
Yolanda: “Nasaan na siya ngayon?”
Pepe: “Nasa heaven na siya”
Tuloyan ang iyak ni Yolanda dahil dito.
Yolanda: “Will he be there always for me?”
Pepe: “Beb, halos lahat ng patay ay may nanonood sa atin, especially ang mga mahal na mahal natin”
Yolanda: “Mahal na mahal ko naman siya”
Pepe: “Aww, don’t let your tears run dry, you won’t have left soon”
Yolanda: “Ttyl Pepe, thank you for being there, chatan ka mamaya, meron lang akong pupuntahan at gagawin saglit”
Pepe: “Sige Beb, cheer up”
Ipinagpatuloy naman ni Pepe ang mga gawain niya sa bahay. Nagwalis siya sa kaniyang silid, inalis lahat ng mga alikabok, at mga sapot sa gilid. Winalisan niya rin ang ikalawang palagad ng kaniyang bahay, dahil wala ang mga magulang niya na pumunta sa isang seminar. Habang sa kabilang dako naman, pumunta si Yolanda sa banyo upang maligo. Pagkatapos niyang maligo, pumunta siya sa kaniyang silid upang magbihis at magcellphone hanggang sa tanghalian. Habang naman si Lola ay ginagawa niya ang lahat ng gawaing bahay. Pagkatapos ng tanghalian, nagchat na naman ang dalawa.
Yolanda: “Pepe:<”
Pepe: “Yes beb?”
Yolanda: “Paano na wala siya?”
Pepe: “Tandaan mo bebe ko, nandyan siya spiritually”
Yolanda: “Alam mo, parang gusto kong sasama sa kaniya”
Pepe: “Ehh? Anong ibig mong sabihin?”
Yolanda: “Gusto ko nang mamatay para mayakap ko na siya”
Pepe: “Huwag kang magsabi ng ganyan, nandyan siya sa katabi mo”
Yolanda: “Sure? Nandyan siya?”
Pepe: “Oo, at he’s there to watch all over you, lahat ng kanilang mahal sa buhay”
Yolanda: “Alam mo, meron akong nakikitang dalawang lalake sa aking likoran”
Pepe: “Wehh, spirits?”
Yolanda: “Oo, nandito sila”
Pepe: “Sino sila?”
Yolanda: “Nandito si Kuya Drei at si Tito Jan Jan”
Pepe: “Aww, anong ginagawa nila?”
Yolanda: “Yinayakap nila ako”
Pepe: “Aww, sabihin mo sa kanila, na May their soul rest in peace, let them find peace, peace be with you”
Yolanda: “Sige sige. Meron lang akong gagawin Pepe, saglit lang bye”
Pepe: “Sige beb”
Pumunta na naman sa sala upang magcellphone si Yolanda habang nagtratrabaho pa rin ang kaniyang Lola sa bakuran. Sa kabilang banda naman, pumunta si Pepe upang magdilig sa kaniyang mga halaman. Pero noong nagdidilig na siya, nagtataka na siya kung paano magkapinsan sina Yolanda at Jan Patrick. Pumunta si Pepe sa kaniyang silid at sa kaniyang Facebook, sinaliksik niya si Jan Patrick na maitutugma dapat ang kaniyang mukha sa larawan na ipinakita ni Yolanda. Pagkatapos ng ilang segundo lamang, nakita na niya. Noong kinita niya ng maigi kung taga-saan siya, taga-Trese Martires Cavite pala, ang layo. Sa ganong paraan, tinawagan niya si Lola. Inexpect niya na si Lola ang mag-aangat ng tawag, pero call ended. Inulit-ulit ng ilang beses hanggang meron nagtext sa kaniya,
Yolanda: “HUY!! Ano na naman ginagawa mo?!”
Pepe: “Wala, meron lang akong sasabihin sa Lola mo”
Yolanda: “Hmm, Anong sasabihin mo sa kaniya?!”
Pepe: “Wala”
Yolanda: “Tungkol ba ito kay Tito Jan Jan?!”
Pepe: “Hindi Beb”
Yolanda: “Kung tungkol ito sa kaniya, sasagot ka sa hindi kita papansinin!”
Pepe: “Kalma ka lang kasi”
Ibinaba na ni Yolanda ang tawag. Dinamdam na ulit ni Pepe ang lungkot at pighati dahil sa kaniyang narinig. Sa kabila naman,
Lola Lena: “Iha, gutom ka na ba? Gusto mo ng meryenda?”
Yolanda: “Hindi MATANDA!”
Lola Lena: “Huy, ba’t ka galit? Kumalma ka nga!”
Yolanda: “Wala kayong pake!”
Dahil nakahiga lang si Yolanda sa kama, sinapak ni Lola ang kaniyang paa.
Lola Lena: “Cellphone ko ba yan?”
Hindi makasalita si Yolanda. Binigay niya ang cellphone ni Lola. Noong iniwan ni Lola ang kaniyang cellphone kaninang umaga, 100 percent pa ito, pero ngayon 2-20 percent na lang naiwan.
Lola Lena: “Naku, nandyan ka na naman, linowbat mo na ang cellphone ko”
Yolanda: “Oo pala, ang magaling niyong Apo ay may gustong sabihin sa inyo”
Lola Lena: “Ha? Bakit hindi mo binigay sakin kanina?”
Napabulong si Yolanda.
Lola Lena: “Ano yun?”
Yolanda: “WALA!”
Lola Lena: “Makakarating na naman ang balita ito kay Mama mo mamaya”
Patuloy na tumahimik si Yolanda ng galit. Lumabas naman si Lola sa silid. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa at tinawagan niya ni Pepe. Inangta naman ni Pepe ang tawag.
Lola Lena: “Hello Pepe”
Pepe: “Hello po Lola, meron po akong gustong tanungin”
Lola Lena: “Ano yun Iho?”
Pepe: “Meron kasing sinasabi ni Yolanda na meron siyang patay na pinsan”
Lola Lena: “Pinsan? Sinong pinsan?”
Pepe: “Si Jan Patrick daw Lola”
Lola Lena: “Jan Patrick? Wala siyang pinsan na ganyan”
Pepe: “Wala Lola? Kasi meron siyang ipinakita na larawan niya”
Lola Lena: “Pepe, huwag kang maniniwala sa mga sinasabi niya, malayo yan sa katotohanan. May mga pinsan siya pero wala sa mga iyon ay nagngangalang Jan Patrick”
Pepe: “Hala, so nagsinungaling siya sa’kin Lola?”
Lola Lena: “Oo, as expected na bata, magtanong ka lang sa’min Iho kapag meron siyang sinasabi na hindi totoo, ganyan siya kasi”
Pepe: “Ok Lola, salamat Lola”
Lola Lena: “Sige Iho, meron pa akong gagawin, hayaan mo lang siya muna ha?”
Pepe: “Sige Lola”
31Please respect copyright.PENANAqeeS3TTcW4
Binaba na ang tawag ang dalawa, habang si Pepe ay galit. Sa pagdaan ng araw, parang hindi na maaalala ni Yolanda si Jan Patrick, dahil hindi na ito pinapaalala ni Pepe. Para hindi na mahalata na alam na ni Pepe ang katotohanan, iniiwasan niyang ibanggit ang pangalan ni Jan Patrick, na either buhay pa ba o talagang patay na.
31Please respect copyright.PENANAlp0poZVjET